Walls Have Eyes

April 19th, 2006 by cunnilinguscoitus

Kahapon pagkatapos naming kumain ni Alex (business partner ko) sa Snackaroo (isang malupet na steak house sa may Kamuning area), nag-MRT ako pabalik sa Mandaluyong. Nagpabili sa akin si Alex ng tatlong 8-in-1 DVD ng mga NBA stuff, so may mga Micheal Jordan, etc…. Anyway, habang hinahanap ng tindera yung mga DVDs, eh di tumingin na rin ako ng mga pirated audio cds… May nakita akong malupit na pirated cd…. ERASERHEADS live and acoustic!

Nung una, akala ko japeks kasi nga naman, hello? di ba? wala namang ganun eh… Pinakinggan ko, tapos mukhang legit naman na bootleg! So sinama ko siya sa mga bibilhin ko. Teka muna, bago kayo mag-react….

HINDI AKO BUMIBILI NG PIRATED AUDIO CDs.

Or at least, matagal na akong hindi bumibili ng pirated (actually bago pa binaba yung OPM CDs to P250). Pero, hindi ako maka-hindi dito dahil una, syempre, i’m a big fan of the eheads, di ba? tsaka tangina, saan ka pa makaka-kita nun? wala namang ganun sa Tower or Odessey, di ba? So ayun…

Pero i repeat, PIRACY IS BAD. Please, do not buy pirated cds (especially OPM cds).

Anyway, hindi pa yun yung end ng story ko…Habang binabayaran ko yung mga binili ko, may lumapit sa akin na isang batang naka-black na mukhang punks, tapos tinitigan niya ako ng mga 3 seconds, tapos sabi niya, "Kuya, di ba itchyworms ka?"

Shet. Huling huli ako. Nakakahiya talaga!!!

Ayun lang…. Sorry! Basta, moral of the story is: Don’t buy PIRATED cds… or at least, pag may banda ka, tapos may album kayo (actually kahit wala), wag ka na lang bumili ng pirated… nakakahiya! di mo alam kung sino ang makaka-kita sa iyo.

Yun lang naman. ingats!

=)

Musta!?!

April 15th, 2006 by cunnilinguscoitus

Hey there!

It’s been a while…

Honestly, na-adik ako mag-blog dati dahil walang NBA Fantasy… Eh ayun na nga, dahil patapos na ang NBA Fantasy (talo ako … LECHE!), eto na naman! =)

Sorry, ang daming kwento pero di ko maisip lahat… Medyo madaming naipon eh. Nakakatawa nga na last post ko dito yung Wowowee picture ko pa (before the accident!).

Anyway, ok naman lahat sa amin. Actually, it’s never been better! Ang suwerte-suwerte namin ngayon! Maraming maraming salamat sa lahat ng sumosuporta! We love you all!!!! :)

Medyo may concern lang ako sa PBB… actually yung reaction ng ibang listers namin re: PBB. Sabi ng iba, sana wag sumikat yung PBB Teen edition… para di kami ma-"baduy"… Ang daming negative reactions about our PBB thingie… eh karamihan dun sa mga nagre-react ng exagge ay yung mga bagong sali na listers na hindi pa naririnig yung kantang ginawa namin!!!

NAKAKA-ASAR!!! Unang una, yung mga totoong friends/listers/fans namin na kasama namin from the start, supportive sila sa move na ito. Naiintindihan nila na isang magandang way ito para maidala sa buong Pilipinas ang message ng NOON TIME SHOW : pagandahin ang quality ng entertainment sa Pilipinas! Isipin niyo… Kung yung mga masa, magustuhan yung kantang Kabataang Pinoy (or at least magka-recall yung pangalan ng itchyworms dahil nga araw-araw ipapalabas yun sa TV), macu-curious yung ilan sa kanila sa album(s) ng banda… Pupunta sa mga show (kahit na out of town)… MAKIKINIG sa mga ibang kanta.

Eh di yun na yun! Di naman kailangang bumili ng kopya ng album yung mga sinasabi nilang "baduy na masa"… (although ok din kung bumili sila … kahit na repackaged! hahaha)…. Kailangan lang, makinig sila sa message ng NTS. At kung may ilang naka-gets, eh di masaya na kami… Kasi otherwise, we wouldn’t have reached those people if it weren’t for PBB. Di ba?

Tsaka btw, we’re proud of the song. Pinaghirapan naming isulat yun (lyrics were given by ABSCBN, but we changed some of it… Lalo na yung Chorus). Importante kasi sa amin na hindi namin ikahihiya kantahin LIVE yung kanta. And if you’ve heard it already, tunog itchyworms siya. (Actually, natuwa nga kami slightly nung naikuwento sa amin ng kaibigan namin na naingayan yung mga ABS execs… hahaha! Eh kaya nga tunog ng Kabataang Pinoy! Naiingayan yung mga matatanda! =) PEACE!)

Basta, kung hindi niyo pa naririnig, wag niyo munang husgahan. Pakinggan niyo muna.

OKS?

Wowowee

December 10th, 2005 by cunnilinguscoitus

Wowowee

Nuff Said

November 25th, 2005 by cunnilinguscoitus

Jugs_heart_1

The Exorcism of Emily Rose

November 24th, 2005 by cunnilinguscoitus

Napanood namin yung "The Exorcism of Emily Rose" kagabi.

Pucha, ang ganda niya.

Sobrang ganda ng story, script, acting, lighting, cinematography, basta lahat!!! Walang panget. At shyet, it will scare your pants off!!!

But the GREAT thing is that it’s NOT just your typical scare-fest movie.

It is much, MUCH more!!

Watch it! Please!!!

JUGS

PS. Ipapalabas na po ang award-winning movie, "Ang Pagdadalaga Ni Maximo Oliveros" (Nanalo si CD dun ng Best Production Design) sa Nov.30 sa selected SM Cinemas. Panoorin nating lahat!!!

Homeboy

November 15th, 2005 by cunnilinguscoitus

Medyo surreal kahapon…

Nag-guest kami sa HOMEBOY… Guest nila si Ate Vi (’d wan en onli!)… We had to sing five songs previously recorded by her (siguro during the sixties or something). Pero tatlo lang ang na-practice namin. Ok lang naman…. Panget talaga yung 2 iba eh. Anyway, apprarently, super fan siya ng Pinoy Big Brother. Labo…

Nag-guest din dun yung mga na-evict na contestants ng PBB. Tangina, may itsura pala sila. Seryoso, nagulat ako. At hindi lang yung mga babae, ha? Actually, mas nagulat ako sa mga lalake. (Sorry hindi ko alam yung mga pangalan nila… di ako fan eh… pero nanonood ako minsan.)

Nagulat talaga ako kasi sa TV, medyo wala silang dating… Sabi ni Kelvin, dahil daw sa Big Brother house, naka-pambahay lang sila, tsaka walang make-up. Sige, given yun… Pero napapanood ko din yung mga guestings nila sa mga NoonTime Shows tsaka sa Myx… wala talagang dating! Siguro kasama na dun dahil hindi naman talaga sila marunong mag-host pero pina-pag-host sila. Pero men, sa personal, may histura pala! Kahapon ko lang na-gets kung bakit ang daming fans ang PBB. According to Chino, medyo KULTO na nga ang dating eh. Complete with the dance number. Grabe…. Muntik na nilang natabunan si Ate Vi.

Anyway, at least pinakanta nila sa amin yung AKIN KA NA LANG sa end… tsaka nakapag-pomote kami… Next Monday yata lalabas ‘tong episode na to. Sana maabutan natin!!

Hyperrelay!

November 11th, 2005 by cunnilinguscoitus

Oi!!!

Nabuhay ‘tong blog ko!!

May bagong game ngayon, galing sa Level Up! Tawag dito HYPERRELAY!

Pls log on to www.hyperrelay.com

We will be the "celebrity" gamers for one whole month! Maglo-log-on kami ng around 3pm, 6pm and 9pm EVERYDAY!!!

Ayos ba?

Pwede tayong mag-chat at mag-trash talk dun! Tara, sali na, dalhin ang barkada! Pumunta na sa isang popular na internet cafe (tulad ng NETOPIA) or sa bahay niyo! Kahit na dial up lang, pwede!! Tsaka mura siya kasi di mo kailangan mag-bayad!

Panalo yung mga "mini games" dito! Isipin mo, parang naglaro ka ng 12 in 1 game sa FAMILY COMPUTER, pero 30 seconds lang per game, tapos mga 10 games in one round. Simple lang, Space bar lang tsaka mga arrow keys ang gagamitin!!! Masaya siya, promise (lalo na pag hindi ka talaga gamer… yung tipong trip lang, ganun.)

Basta, kitakits tayo dito, okei mga Ka ‘Tol?!?!

See ya!!

JUGS

Mister_love

NTS

October 12th, 2005 by cunnilinguscoitus
Gusto ko lang i-share itong nakaka-iyak na "testimonial" ng aming friend/lister na si MiCo/Michelle re: our new album, Noon Time Show:
bought mine straight from universal. wala kse kahapon sa tower que avenue, tapos kanina nung wala pa rin, dumiretso na ko sa universal which is across the street lang naman. yung smart building sa tabi ng parco grocery.
nakaplaster yung ngiti ko nung nalaman kong pwede rin bumili dun kahit isa lang. iniisip ko kasi nung una baka di pwede kse wholesale yata yung sales transactions dun. kaya nung sinabi ni ms josie na pwede, di ko naitago yung ngiti ko. nawirduhan nga siguro sakin eh. hahahaha!
pinakinggan ko na sha while driving home. kahit nasa bahay na ko, di pa ko bumaba hanggang di natapos.
im no artsy fartsy technical professional critic. express ko lang sarili ko of what i think of the album ha…
hayup sa ganda ng NTS!
sakit na nga ng panga ko sa kakangiti at kakatawa.
tapos ang galing pa kse sunod na sunod sa theme. i mean halos lahat ng songs related sa noon time shows. ang galing!!! witty!
inlay: super panalo yung mga pics don! ang fun! bet u enjoyed the shoot. hahaha! ang kulit nung masculados ba yon o bouncers!? i like!!! anglalaki ng mga ano nyo… muscles!!!
kaya yung mga salbahe na may balak mamirata, they’ll miss the incredible inlay.
fillers: panalo ever! favorite ko yung…
"eto na mga ka’tol! let’s all welcome, the itchyworms!!!" *audience laughed* "di nga… the itchyworms…" hahaha!
nung pinakikinggan ko na, nangangalahati na ko, wala pang "skipable" track. i mean, usually di ba, nagskiskip ka ng tracks kse di mo mashado favorite. pero yung NTS, SULIT is an understatement. sobra. siguro kse naluto na mejo sa tenga ko dahil heard them na sa gigs. mas nakakatuwa sha na may album ka na to hear the songs whenever u like hearing them and not drool for itchyworms gigs to hear akin ka na lang, falling star, actually lahat! hehe
if i would rave about every song, mas lalong hahaba ‘to kse may rave ako sa bawat kanta. yung last na lang na sobrang na-amaze/natawa/bumilib/natuwa ako. PRODUCTION NUMBER!
ang kulit nya talaga! ang WITTY!!!! natural na natural yung collab kaya mafifeel talaga ng nakikinig yung fun. parang spoof itech with guests, maps, jason caballa, gab of parokya,  kris vin and ebe,  chino david,  aia, marie, trici, kerwin, echo at madami pa.
u guys should get nts now. as in ngayon na. daliiiii!!!!!
muli, congrats itchyworms and thank you for the music! madami kayong napapasaya at im sure mapapasaya pa

NTS, sa Tuesday na!!!! Sali Na! Dalhin ang BARKADA!!!

October 7th, 2005 by cunnilinguscoitus

Please don’t forget to pass by your favorite record bar this Tuesday (Oct.11), and grab a copy of the itchyworms’ 2nd full length album under Universal Records, NoonTime Show!!!

P250 lang!

Sali na! Dalhin ang barkada!!!!

:oP

SoftSpot Roto 2005

September 24th, 2005 by cunnilinguscoitus

NBA Fantasy is here again!!!

Super nakaka-adik! As in, i’m sure, pag nag-umpisa na yung season (Oct 31) malamang hindi na ako masyadong makakapag-blog! hahaha!!

Nakaka-awa ba?

Super saya talaga!

Basta, in a nutshell, ganito yun: Mamimili ka ng 12 or more players from real NBA players with their real stats… Then, when the NBA season starts, ipaglalaban ninyo yung mga na-"draft" niyong mga players sa mga ibang mga "team owners"; gamit ng mga DAILY stats ng players mo, until the end of the regular season!

Kung mahilig ka sa NBA, at kung may Yahoo ID ka, tapos gusto mong makipag-compete with us, tara na!!

Log on to http://basketball.fantasysports.yahoo.com/nba  … then press Join A Custom League.

Then type in these : League ID# : 25949

Password: 5315189

Tara na! Limited slots lang!

Let’s game! Let’s fun!