GRABE!

June 25th, 2006 by cunnilinguscoitus

GRAAAAAAAAAAABE yung week(end) namin last week!

RUSH recording / mixing EVERYDAY (from monday to thursday) for the repeckaged stuff! (surprise ‘to, so ABANGAN!!!!) Tapos friday, lipad papuntang Davao! [Ang ganda sa Davao, grabe. Super linis! Parang Marikina x 10!). Masaya naman yung crowd sa Davao (kahit na umaambon); medyo nahihiya lang mag-rock out, pero alam mong gusto nila kami (actually someone told us that we were quite popular in Davao! ASTEEEEG.)

After the gig, ligo lang, tapos punta sa gimik place nila dun (parang makati bars nila) para maki-chika sa sponsors tsaka sa ABSCBN peeps doon. Nakaka-aliw na nakita namin dun si Faisal (isang taga-AMP dati na may bandang BLACK POTATO BAND, na ang tagal tagal na naming inaasahang makita!); tapos si Kelvin may mga nakitang kaklase niya dati sa AIM!

Anyway, 1st flight kami kinabukasan, so gumising kami ng 5am. Nasira yung computer sa airport, so ang tagal-tagal mag-check in! Nakarating kami sa Manila mga 10+ na. We had to take two vans (kasi may kukunin pa si Kerwin sa Alabang); Si Jazz, nag-vacation for that day (LUCKY HIM!)… We got Kaka (watch out for this kid, he’s a very good drummer!!!)

So anyway, natulog lang kami sa van hanggang Marilao (grabe, bagsak kami!!!). Kasama namin ang Cueshe (umulan talaga nu’ng kinanta nila yung ULAN. hahaha!) at Shamrock. Ang dami ring bumili ng CD namin, so maraming SALAMAT po!!! =)

After ng autograph signing / picture-picture, diretso kaming Rockwell for the MEG party. Nandun yung mga PBB Teen Housemates, at syempre, pinagtawanan na naman kami ni Bam (mas cute naman ako sa kanya, di ba!?! bwahahaha!)

AY, btw, gutom na gutom na kami by this time kasi walang time for dinner! Kumain na lang kami ng hamburger after ng gig, on the way to GH.

Last band na pala kami sa RT event sa Greenhills, pero madami pa ring tao! Anyway, di ko alam kung bakit, pero naisipan kong bumaba sa crowd habang kumakanta ng BEER… Ayon, nagsisi ako kasi nag-swarm sa akin yung mga orcs, at kinuha yung shades ko!!!

Taytayojan!!

After nun, pumunta pa akong Eastwood sandali para maki-bday kina Belle at Kiko, pero naka-alis na pala sina Kiko. So i just had one drink and called it a night.

Gumising ako kinabukasan ng 3pm na! hahaha (buti na lang, Sunday)!

Don’t worry, i’m not complaining! Napakasaya niya! Sana mas marami pang ganito. BRING IT ON! =)

SuRrEaL

June 21st, 2006 by cunnilinguscoitus

Lahat ng tao ngayon, humihingi ng balato kay Kelvin…

(Nanalo kasi siya sa GKNB… Champion siya for four days, that means he won P200,000 + several showcases)

…Lahat ng mga kamag-anak niya, kahit yung mga taga-States, pati yung mga employees nila, pati mga taga-UR, mga taga-NU, pati lola ni CD! Grabe!!

Sa mga gigs namin, lahat ang tawag sa kanya, si "Kelvin Yu, yung nasa Game Ka Na Ba!"

————————————————————————————————

Ang SURREAL nung pagka-panalo namin sa AWIT AWARDS.

Sa sobra kong kaba, nag-C.R. ako noong tinatawag ng the DAWN yung nominees. Bigla na lang, tumtakbo at sumisigaw si Kerwin ng "JUGS! Akyat sa stage, BILIS!!!!!"

Actually, wala kaming masabi onstage kasi di talaga naming inaasahang manalo kami dun. Hello? "Best World/Alternative Recording"? Labo, di ba? So sumigaw na lang kami ng "Wooooooooh!"

Pero OK lang, we’ll take it! Kakaunti lang ang mga taga-UR na nabigyan ng award that night, so we will take it wholeheartedly!! (tsaka wala naman kami sa MYX awards, eh… so ayuz na rin!) ^_^

————————————————————————————————-

Lalabas na po yung REPACKAGED album ng Noon Time Show sa July 1!

Sana supportahan niyo pa rin ito, kasi sa totoo lang, kailangan naming maka-benta pa ng mas maraming copies ng album (medyo mataas yata yung expectation sa amin ng UR). Sa pagka-alam ko, P280 lang siya. Grabe, 9 songs yata ang kasama, pati na rin mga videos namin, kaya sulit na sulit (as promised)!!!

Please, dun sa mga mahilig mag-download, kung wala pa kayong kopya ng album, here’s your chance. Sulit siya, PROMISE. (at hindi ito dahil kami ang may gawa nito, ha?). Grabe, sobrang punong-puno ito, kaya wag nang mag-atubili, bumili na kayo! Paki kalat sa mga kaibigan, kamag-anak, ka-trabaho, ka-eskuwela, kapamilya, kapuso, ka’tol, kabayan, etc etc na bumili sila nito PLEASE!?!?

At pls lang, BAWAL ANG PIRATED!!!

Yun lang po. Maraming SALAMAT!! =)

————————————————————————————————-

To vote for our music videos (on MYX)…..

Pls text: MYX VOTE BEER, send to 2366  ;

and/or MYX VOTE KABATAANG PINOY, send to 2366.

To Download our ringback tunes:

Hello Moto :(Globe) Text: HELLOMOTO, send to 2332

                 (SMART) Text: RING ADD 104393, send to 286

Kabataang Pinoy (Globe) Text: PA873, send to 2332!

Wowoweeeeeee

June 10th, 2006 by cunnilinguscoitus

Noong friday, tumugtog kami sa Tiendesitas para sa NU107 Independence Day Sessions (w/ the Dawn, Dong Abay, Dicta License, Bayang Barrios and Joey Ayala).

Anyway, last band kami… tapos, habang ad lib ng 1st song namin (Salapi), may isang 40-something woman na lumapit sa stage. Natawa na lang ako, kasi ni-request niya yung kantang NARDA ng Kamikazee. So after nung song namin, nagpatawa lang kami (kasi natutuwa din naman kami dun sa kanta), so tinugtog namin yung chorus part lang. Eh di natawa lahat ng tao, kasi nga absurdo eh!

Eto ang pinaka-malupit… Bumalik yung ale, at nag-abot sa akin ng P100! LABO, pare!!! Bwahahahahaha!!! Inipit na lang ni Shellby yung pera sa guitar ko.

Wala lang… Ngayon, alam ko na kung ano ang feeling ni Willie Revillame! =)

Water-water

May 20th, 2006 by cunnilinguscoitus

I wrote this article for StarStudio. Wala lang, gusto ko lang i-share:

Top 5 rain-drenched videos:

  1. Una (by Sponge Cola) – Probably Sponge Cola’s most popular video, Una was shot in the garage of manager Raymond Fabul. Real butterflies and goldfish were used. Lead singer Yael Yuzon said that he didn’t care if he looked messed up in the shoot: the dirtier, the better. Directed by Wincy Ong.
  1. Ulan (by Cueshe) – Ulan was the longest chart-rating video of Cueshe, and was shot in a basketball court. They had a miniscule budget, so they didn’t feature extras, and they just used a fire truck for the rain effects. The instruments they used here were later used for their fiery video, 24 Hours. Directed by Milos Curameng.
  1. Nasaan Ka? (by Pupil) – Pupil shot Nasaan Ka at the ruins of an old hotel at BF Homes, Parañaque. Here’s a weird story: It was cloudy on the day of the shoot, so they were thinking of re-scheduling it. Diane Ventura (Pupil’s manager, Ely’s wife, and songwriter of Nasaan Ka?) insisted that they push through, and that she will stop the rain with her powers until 8pm. Sure enough, at 8pm, it rained, and that’s where they got the best rain and lightning shots in a local video ever. Directed by Quark Henares.
  1. Heaven Knows (This Angel Has Flown) (by Orange and Lemons) – Heaven Knows was shot during a slight storm at the reclaimed area near Roxas Blvd. They hauled a real piano at the location just for the song’s intro, and half-buried several objects in the ground for some drama. Directed by Jeff Tan.
  1. Kung Wala Ka (by Hale) - This video was the first local music video in a long while that didn’t feature performance shots of the band. It was shot in a resort at Pansol, Laguna using 16mm film. They also used a fire truck for the rain effects. Directed by Topel Lee.

S-Men

May 19th, 2006 by cunnilinguscoitus

Spidey3  Wala lang… i stole these pics from my friend’s blog (Ron Tan).

  Panalo di ba!?!

Beast_1stlook

Supermanreturns03

More Energy Mas Happy

May 14th, 2006 by cunnilinguscoitus

So dapat may gig kami sa iloilo… so ang plan dapat, pupunta kami ng one day before nina Kelvin, Kerwin, Shellby and Caloy na dala lahat ng mga gamit. Eh di nasa NAIA2 na kami, mga 10 mins na lang before boarding. Tapos, may tumawag kay Kerwin. Sabi daw magkaka-bagyo daw sa iloilo, so BAKA ma-cancel yung show. So nag-tawag kami ng friends namin dun… Sabi naman nila, may ambon pero di naman daw mukhang bagyo. Eh di go kami! Eh naka-load na yung mga gamit eh. Alangan namang ipa-delay namin yung flight dahil lang gusto naming bumaba.

Medyo nakakatakot yung ride to iloilo. Madami-dami yung mga air pockets, so nakaka-kaba. Anyway, pag-baba namin, tumawag na yung organizer… Cancelled yung show. Shit. Tinawagan na din sina Jazz and Chino. So kami, walang choice kungdi kumuha ng hotel! Ayun… ganun na nga ang nagyari.

Taga-dun yung childhood friend (and ex-bandmate) ni Jazz na si Wally. Nag-dinner kami with him, tapos pumunta sa MO2 (isang bar dun na may tugtugan). Nakilala kami ng singer ng banda, so pinakanta kami ng 1 song (Akin Ka Na Lang). Nakakahiya!!! Eh mala-acoustic group sila, so walang bass. Tsaka cajon yung gamit. Si Wally ang nag-cajon (drummer siya), tapos gitara kami ni Kel. Joke namin dun, pwede na kaming magkaroon ng madaming gigs… Kami ni Kel kukuha ng session guitarist and drummer. Sila Jazz, session bassist and guitarist. Tapos in one night, makaka-tugtog kami ng 7 gigs. Yung pinaka-malaking budget lang yung kumpleto kami. hahaha…. joke lang! =)

Anyway, kinabukasan, sinubukan naming umalis, pero todo na yung bagyo. Na-cancel yung flight at nabasa na naman kami ( i HATE getting wet. seriously.). So ano ginawa namin!?! Eh ano pa eh di pumunta kami sa SM iloilo! Hahaha… kamukhang-kamukha niya yung SM Fairview. Bumili kami ng mga nice jackets galing sa Surplus Shop (P500 lang!). Na-tempt nga kaming manood ng mi:3 dun pero parang tanga naman yun di ba? So nag-dinner na lang kami ng Batchoy!!! (Kung may Wendy’s dun, nahirapan sana kami sa pag-pili!!)

Thankfully, ok na yung flight kinabukasan. But wait, umpisa pa lang ito nu’ng araw…. Flight namin to manila was 5pm. Nakalabas kami ng airport, mga 7pm. Sinundo kami ni Bolong tapos diretso kami sa bahay ni Chino to pick up Jazz, Chino and Aldwin. Tapos diretso na sa Pampanga!!! Wala nang dinner. Kasi sakto lang ang dating namin dun. Last band na kami dun, kaya salang kami agad. After the gig, diretso sa Sta. Maria, Bulacan (dun yung probinsiya nina Jazz so madami siyang cousins/fans dun!!!). Masaya yung gig dun!!!

Tapos, after the gig, at 1am, we had our proper dinner (thanks to Margaux Salcedo’s family). Pinaka-panalo yung Lengua tsaka Kesong Puti!!! Then, we had to run back to Big Sky Mind for Mich Dulce’s birthday bash.

We were dead tired, pero masaya pa rin… Eto yung kicker: we played 0.83 songs there. Kasi, 1st song namin yung "Happy Birthday", tapos sa may adlib part, bumigay yung mics. Kumanta na lang lahat hanggang matapos yung kanta. Tapos, di na naayos, so pack up na. Enjoy na lang! Naka-uwi ako mga 4:30 na.

More energy, Mas Happy!!!!! =)

GKNB?!

May 10th, 2006 by cunnilinguscoitus

Nag-guest kami kahapon sa GKNB… (we sang two songs for two episodes).

Anyway, after we sang Kabataang Pinoy, Kris Aquino interviewed us… tapos sabi niya, "Jugs, pumapayat ka… And gumaguwapo ka!"

Sabi ko, "Thanks, Kris, pero hindi talaga!! hahaha!"

Sobrang nag-selos si Jazz kasi super crush niya si Kris.

Ok lang, nanalo naman siya ng P25,000! =)
Oi, pero wag na kayong humingi ng balato… Kalahati pa lang yun ng tuition fee ni Keoni this June!

Mag-BEER muna tayo!

May 9th, 2006 by cunnilinguscoitus

Nu’ng isang gabi pumunta ako sa SaGuijo mag-isa para tumambay, kasi maaga kami natapos sa gig/taping. Eh, sabado yun, so akala ko ang daming may tugtog…So nag-text ako lahat ng mga band people kung saan ang gig nila.

Surprisingly, lahat sumagot na wala silang gig… Weird no? Anyway, ang sumagot lang sa akin, si Katwo. Sabi niya, Ninja Kiss daw sa SaGuijo. Ok, eh wala naman akong magawa kaya pumunta na din ako, para panoorin yung Narda and Bagetsafonik tsaka para makausap din si Nico P para sa isang project. Ok na din kasi nakatambay ako (matagal na ako’ng hindi tumatambay for the sake of tambay lang) with Anjo+Clade, Jason, Cris Ramos, Bernie+Marcus, Nico and Katwo.

Anyway, habang nanonood ako ng Narda, naka-upo ako sa floor… Tapos may isang lasheng na jologs na tumabi sa akin… sabi niya, "IDOOOOOOOL!!! Ano’ng beer gusto moooooo? Sagot ko!" Sabi ko, "Wala, thank you," Sabi niya, "Walang ganung beer!"

Tapos lumayo siya ulit….

Tapos after a while, lumapit na naman, sabi niya, "Sige na idooooool, kanta ka naman!!!!… yung MAKITA KANG MULI, galing sa Panday!!!" Then he began singing, "Ipaglalaban ko… ang ating pag-ibig….."

Tangina, labo…. Sobra ako’ng labong-labo pare. Lumabas na lang ako. Tapos maya-maya, na-realize ko, naka-Fatal Posporos t-shirt ako… Na parating suot ni Vin.

So look at it this way, first time nangyari to… Akala ng isang tao ako si Vin kaya akala niya na ako si Ebe!

Apparently, BEER can do that to you!

JUGS

PS. Pls vote BEER by texting: NUVOTE BEER, send it to 29107. Thank you!! =)

PBB Chords

May 3rd, 2006 by cunnilinguscoitus

Kung sakaling gusto niyo lang malaman…

Heto po ang chords ng KABATAANG PINOY.

Intro: D - G - C (4x)
Verse: D - C - G - A (2x)
Pre-Chorus: Bb - C - Bb - A
Chorus: D - E - G (4x)

Wala lang… may nagtanong kasi sa akin eh. Madali lang, so kapain niyo na lang!

Salamat po!! =)

Dear Ayie…

April 25th, 2006 by cunnilinguscoitus

Here’s a Friendster message i got recently from one of our favorite listers, Ayie. Attached also is my reply to her.

Have fun!

About your blog entries… (pasensiya kung mahaba…

sana

naman ay mabasa mo ito nang mabuti)

Ha ha ha sorry hindi ako maka-comment sa blog mo
e. Tabulas kasi ako e. Eh hindi ako marunong
magsign-up for Friendster blogs e. Wala kasi
ganyan sa tinitirahan kong bundok ng Tralala. Ha
ha ha joke lang eh hindi lang talaga ako marunong
magblog sa Friendster e.

Anyway, ha ha ha I just really have to ask you this
question–PAANO KA NAGREACT NUNG
TINANONG SAYO NG PUNKS BATA KUNG TAGA-
ITCHYWORMS KA? Ho maii…dineny mo? Anong
sinabi mo? Ha ha ha ang cool nagcocommute ka
pala! Ako nga hindi ako pinapayagan e. :-(
Palibhasa unica hija…

At tsaka yung sa mga nananampalataya na

sana


hindi kayo umuso, aminado ako na lumabas rin yan
sa isip ko. What if…mapalayo na kayo sa mga gig
goers ninyo (kagaya ko na paminsan-minsan…
kapag may pagkakataon na makapanood sa
Saguijo o kaya sa Areneo o kaya sa Market!
Market!) o kaya…ewan. Basta dadami yung fans
ninyo tas ewan… Naisip ko rin yun. Pero hindi
naman sa point na ipinagdarasal na

sana

hindi
kayo umuso. Pangit naman din yun. Eh ultimong
ang

Orange

and Lemons e–kahit na umuso sila
after Pinoy Big Brother, gusto ko pa rin sila. Hindi
ako nabaduyan sa kanila. Pero nakakabuwiset
lang ‘pag binabansagan sila ng showbiz industry
ng titolo o ano mang "Novelty song banda"
etchos…basta yung parang sa
Rivermaya…yung "Banda ng Bayan." Ha ha ha
naaasar ako doon. Parang "

Asia

’s Songbird." Ha
ha ha ano kaya yung sa
Itchyworms? "Pambansang Higad"? "Bulate ng
Bayan"? Ha ha ha ewan… Pero basta wala
lang…kasi hindi naman mukhang lumaki yung ulo ng
ONL e. Ewan ko. Kayong mga OPM bands ang
nakakaalam niyan kasi hindi ko naman sila
nakakasama. Pero magaling talaga ang mga kanta
nila.

Ha ha ha basta ang punto ko ay RELAX LANG,
Jugs. Naiintindihan ko yung nararamdaman mo
regarding those who pray that your band doesn’t
succeed in the OPM industry. Nakakaasar nga na
ganyan yung mga ibang listers… Pabayaan mo,
kapag narinig na nila yung kanta ninyo sa PBB,
baka iba na ang maging reaction nila.

Ha ha ha mukha bang nawawalan ka ng gana na
magpush through with the Lister’s Party? :-P

Ayun lang. Baka manood ako ng gig ninyo sa
Mayric’s ngayong Monday. Hindi pa sure.
Depende kung maraming gagawin sa school kasi
summer sem ako sa Ateneo ngayon. Basta kung
hindi man ako makapanood, sinusubaybayan ko pa
rin naman kayo sa t.v. o kung saan man. Ha ha ha
not in a stalker way naman… ha ha ha Fan lang
talaga ng Itchyworms.

At tsaka btw, umm… kapag nakita ko kayo ulit, okay
lang ba na humingi ako ng autograph sa inyo para
sa tatlong / apat kong kaibigan? :-) Okay lang ba?
Hindi ba hassle? Kasi yung isang friend ng
blockmate ko…nung pinanood raw kayo sa AA
Fair, parang umiyak ata nung hindi kayo nalapitan
para magpa-autograph. Ha ha ha ewan… so
tinatry ko na lang gawin for her.

Thanks so much for taking time to read this (ha ha
ha that is kung nabasa mo nga nang maigi…ha h
haaa)

Ayie

Hey Ayie!

Sorry for the late reply!

Medyo naging busy din the past few weeks…

tsaka i seldom check this account na (add me sa dyugs@hotmail.com)

Easy lang magreply sa friendster blog, basta may friendster account ka, ok na!

Anyway, i’ll try to answer all of your questions…

Yes, i commute sometimes… Ang mahal na ng gas eh! Pero tinatamad ako pag super init.

Yup, inamin ko sa punks na taga-itchyworms ako.

Hindi ako marunong mag-sinungaling eh! =)

(Kaya tingin mo showbiz ako)

Sige, i’ll be honest… Kaya ako nairita kasi kung kakilala mo talaga kami, alam mo na hindi kami magiging mayabang eh. Yun yung gist nun. Steady kami kasi barkada kami. Mas rock star pa nga ang mga ibang roadie ng ibang banda kaysa sa amin eh. Kaya ako nainsulto na may mga mag-isip ng ganun.

Kami, hindi nagbabago. Ang nagbabago ay yung tingin ng tao sa amin.

Yeah, tuloy pa rin ang lister’s night. Of course we love our listers!!! Ikaw ba ang project head nun? astig. =)

Finally, about being "showbiz", i don’t think we have anything more to prove. We put out the album and everything else is gravy. Kahit na mag-PBB theme song pa kami ng sampung beses, tumugtog sa Eat Bulaga, sumali sa GKNB, manalo sa Wowowee, makasama sa cover ng Kris magazine, maging (extra) actors sa mga sitcom/soap operas, …kahit na magka-love team pa ang isa sa amin…alam na ng mga taong matatalino na kasama sa mockery lahat yun.

Kumbaga, gagamitin namin ang makinarya nila para makarating sa mas maraming tao ang mensahe namin na against sa kanila.

Kung walang maka-get nun, pasensya na lang!

Peace,

JUGS

=)