APO

Sobrang na-star struck ako sa APO.

As in GRABE…. At hindi lang ako, or kaming itchyworms… lahat ng banda kahapon sa ASAP, sobrang star struck sa kanila. Si Kerwin (who line-produced the whole APO Tribute album), sobrang speechless nu’ng kinakausap kami ni Danny Javier.

Sabi namin, "Ser, may album pa bang susunod ang APO?"

Sabi niya, "Well, i have 200 songs pa, so siguro… And it’s all in my head!"

Syempre, our jaws dropped.

Sabi ko, "Why don’t you record demos of the songs?"

Sabi niya, "Bakit pa, eh baka manakaw pa! hehehe…."

Sabi ko, "Ako unang mag-nanakaw nun!"

Sabi niya, "Seriously, parang pointless maglabas ng new album, kasi yung last four albums namin, hindi na-promote; hindi pinatugtog ng radyo. Sayang. Kasi kung napatugtog lang yung mga yun, kakagatin sana….Then he added, basta kayo, wag na kayong mag-TV. Huwag niyong kalimutan na mga musikero kayo. Kami, nu’ng ‘Sang Linggo nAPO sila, natuyo ang utak namin. Akala ng mga tao, mga hosts na lang kami…"

Words of wisdom.

————————————————————————————————-

Before our segment, nagpra-practice kami, and Jim Paredes was looking at me. Then, when we made eye contact, nag-"I’m not worthy" sign siya. Oh my Gads. Kakaibang feeling yun. Kasi ang Top 3 GODS ko of OPM ay APO, Eraserheads, and Juan Dela Cruz Band. To have one of your idols do that to you… GRABE!!!!

Sabi ni CD, napanood daw niya sa TV yung performance namin… Halatang favorite daw kami ng APO (kami tsaka Orange And Lemons), kasi sobrang ngiti daw sila sa amin nung tinutugtog namin yung AWIT NG BARKADA. Grabeng pressure!!! Buti na lang, marunong naman kumanta yung si Nikki and Iya… Di lang na-practice yung voices, pero at least hindi Richard Gomez, di ba? hehehehe….

————————————————————————————————-

Nasa akin pa yung GOLD Award na binigay sa itchyworms (lahat ng banda na kasama sa album, may tig-isang GOLD Award!). Ipapakita ko sa parents ko. hahaha… para matuwa naman sila. Para isipin nila seryoso naman yung banda namin.

Sabi ni Kel, noong Rockestra, after kami mapanood ng parents niya na mapa-sing along yung ganun karaming tao, tsaka lang nila narealize na seryoso na ‘tong banda namin…. Baka akala kasi nila, parang laro-laro pa rin eh! hehehehe…

Sayang di nakapunta yung parents ko sa Rockestra. Di ko naasikaso kasi super busy =(

————————————————————————————————-

Lastly, kung trip niyo lang, you can now download AWIT NG BARKADA’s ringback by texting: PA905, send to 2332 (for Globe subscribers only).

11 Responses to “APO”

  1. klara iskra Says:

    you guys deserve everything that you are receiving now. sobrang you’re one of the most hard-working bands i know, and still, you all manage to be down to earth and nice.

    BTW, favorite ko yung tawa mo sa awit ng barkada. sobrang jugs na jugs. natatawa ko pag naririnig ko sya. :P

  2. ayz Says:

    bat laging may plugging??? hehe..

    peace!!

  3. Iya Says:

    grabe na yang apo tribute album na yan. napabili ako ng orig. hahahaha. :p baka magtampo yung suki ko sa tiangge. hahahaha :p

  4. poch Says:

    ano pa ba ang masasabi ko?…
    haay…wala na…masayang-masaya ako for you guys…kung ano man ang tinatamasa niyo ngayon sobrang deserving kayo. it all started siguro the moment you thought of doing NTS. that was a brave thing to do.
    and became my fave album of 2006. ay hindi! nagsimula ito nung nakilala nyo ko! hahaha loko lang! :P fave ko yung awit ng barkada & kumot at unan sa APO tribute. see you sa gigs pag may time…

  5. Ayie Says:

    Kilala mo yung bandang Yano? :-)
    Ayun OPM god yun para sa akin.

    Yung kumanta ng “Nakakabaliw ang ganitong buhaayyyy…”

    o yung “Banal na Aso”

  6. JUGS Says:

    Syempre, kilala ko yung Yano. Kaibigan ko si Dong.
    Idol ko siya, pero i can’t consider him a “God”.
    Hindi kasi siya ganun ka-consistent eh.
    Opinyon lang naman.

  7. Ayie Says:

    Waaaaaw ang swerte mo naman–kung sinu-sino ang nagiging kaibigan mo sa industriya ng OPM. :-) Nakatutuwa.

    Anyway, pa-expound naman sa pagiging inconsistent niya sa pinoproduce niyang tugtugin. Hindi ko kasi nasubaybayan ang pag-evolve niya bilang musikero eh. Wala lang. Nakakaintriga. :-)
    Hehehe yung thing sa boses niya, hindi magaya-gaya ng kahit sino. Hindi BASTA-BASTA nagagaya ng kahit sinong mang-aawit. Ewan ko ba. Iba ang quality nito.

    Oo nga pala–kumusta sa banda mo at ang manager ninyo.

    God bless. :-)

  8. Yowee Says:

    Jugs! congratulations on your award! oskar kilo talaga kayo. teka lang, medyo matagal-tagal na rin na di kayo napapadpad sa cebu ah. miss ko na kayo! dapat niyo nang i-autograph yung CDs (APO&NTS) ko! wahhhhhh!!!!! pakisabi kay kerwin dalhin na kayo dito ehyoh! ^_^

  9. anna Says:

    “pero at least hindi Richard Gomez, di ba? hehehehe….”

    Hahahah!! That was mean! ^^

  10. team cheska Says:

    Congrats Jugs! your band deserves every good thing coming your way!

  11. Leslie Mae Says:

    well kuya,tama sinabi nila wag kayo gagaya sa mga papogi jan sa tabitabi although POGI na kayong lahat hehe..more power sa band…ayabshue oll!!!

Leave a Reply