A “Lazer”…..

Recently, napadaan ako sa Ali Mall… So dumaan ako sa mga guitar shops. Naghahanap kasi ako ng bagong soft case na maganda para sa bago kong SG na hopefully makukuha ko today! =)

Anyway, dumaan ako sa LAZER. May 4 silang sales people, at lahat mukhang tamad na tamad… Siguro pagod lang sila, or dahil walang bumibili, or baka ayaw nila sa trabaho nila… Whatever. Anyway, nilapitan ko yung isang medyo nakatayo. Tinanong ko kung may soft case sila. Sabi niya, "Meron."

Sabi ko, "Pwede patingin?"

Wala siyang sinabi. Nakasimangot siyang pumunta sa bodega sa likod.

Dinala niya pabalik. Sabi ko, "AH, medyo manipis pala. Kailangan ko kasi medyo makapal eh." 

(*Note: Dumaan na ako sa manipis na soft case. They offer little or no protection at all. At Madali pang masira yung straps.)

Sabi niya, (na may pang-asar na look,) "MAS MAGANDA YUNG MANIPIS."

Sabi ko, "….Ano?….. Bakit mas maganda itong manipis kaysa sa makapal?…"

Sabi niya, "IKAW… Bahala ka. Sa akin, mas maganda ‘tong manipis." (with yet another pang-asar look on his face).

…. Eto, malamang hindi niya ako nakilala (which is a non-issue for me). Ang nakaka-asar lang is kung anu-ano ang pinagsasabi niya, eh hindi naman siya PROFESSIONAL MUSICIAN.  Hindi ko siya minamaliit… Pero huwag niyang sasabihin na mas maganda ang manipis na soft case kaysa sa makapal na soft case kasi HINDE. Not now, not ever.

Pwede naman niyang sabihin, "Ok na ‘to ser, mas mura… Para sa mga nag-uumpisa pa lang…" OK PA YUN EH.

Kaasar.

Anyway, sa Market! Market! branch ng LAZER talaga ako bumibili so KEBS na lang dun sa ALI MALL branch. Kung kilala niyo yung branch manager or kung sino ang may-ari ng LAZER, ikuwento niyo ‘to ha? Kasi ayokong masira ang LAZER dahil lang sa isang tao… Sayang di ko nakuha yung pangalan….Ang sarap lang batukan eh!

11 Responses to “A “Lazer”…..”

  1. venus Says:

    babae ba o lalake? gusto mo abangan ko sa labas ng ali mall? joke lang!! hehe

    hayaan mo na yun kuya jugs!!

    makakahanap din yun ng katapat nya!! swerte nya lang kse hindi ikaw yon…

  2. klara iskra Says:

    may mga salespeople talaga na ganyan.

    nangyari na rin yan sakin lots of times.

    whatever happened to the customer is always right?

    haha.

  3. DarWin-Is-BRokN Says:

    di ganun… masyado kayong brutal.. bitin ng patiwarik!!! gz2 mo bang isalvage?
    msg mo lang ako d2.. may stealt weapons ako d2…. w/ silencer… kaw bahala!! wahahahah!!

  4. Christopher Says:

    walang kwenta talaga yung mga people sa LAZER-AliMall. hindi sila friendly parang galit sa mundo. Nagtry kaba sa katabi nila? yung Perfect Pitch mas ok yung mga tao dun.
    -Tupe
    fishballs

  5. JUGS Says:

    Yeah, mas ok talaga mga tao sa Perfect Pitch, pati sa JB tsaka Behringer… Pero mura yung mga gamit ng LAZER eh. Dun ako nakakabili ng ALICE strings (the best strings in the whole damn world!) maliban sa sta. mesa.

    Ok naman mga tao sa Market Market branch nila eh, so bakit bastos yung mga taga- Ali Mall? Labo….

    Anyway, sa Sta.Mesa (BENJIE’s) na lang ako bumili ng soft case. Same price, pero mas makapal at mas matibay di hamak!!!

    Sobra na akong excited gamitin yung SG ko!!!! Yahoo!!! =)

  6. charley Says:

    nkkainz nmn gnyng mga tindera at tindero!!!…pg tindero(na basted yan!) pag babae(meron yan!)

  7. -XaM kHuLet- Says:

    hahaha! cguro malabo lang mata nia? or mahina ang alam mo na???hehehehe
    nakakainis talga un mga ganyan…nwei, good thing nakabili ka ng kailangan mo….=)

  8. MarieLouieJess Says:

    hay wala kulang yan sa training at customer service.. hindi ba nila alam na yung ipanambibli ng mga customer ay ang bumibile ng mga deodorant na ginagamit nila para hindi sila mag amoy putok?! at yung erang yung ang nag bibigay sa kanila ng pangyosi nila.. pang kain.. para may mai-ebs sila?! mga EBS sila!! as in ebak!!

  9. JEMAN Says:

    sows. kung kasama mo ako that time baka naglulumuhod sa pagmamaka-awa yung ugok na yun. hehehehehe.

  10. soundlab Says:

    yung bumili din ako ng cymbals sa lazer, masungit yung isang tindera. natural nagca-canvas pa lang ng price at pabalik balik ako, tanungin ba naman akong bibili ka ba o hindi? sabay tinalikuran ako…shish!

  11. 'aNn Says:

    haha. mas maganda yung manipis na case kesa makapal? kelan pa?

Leave a Reply