SuRrEaL

Lahat ng tao ngayon, humihingi ng balato kay Kelvin…

(Nanalo kasi siya sa GKNB… Champion siya for four days, that means he won P200,000 + several showcases)

…Lahat ng mga kamag-anak niya, kahit yung mga taga-States, pati yung mga employees nila, pati mga taga-UR, mga taga-NU, pati lola ni CD! Grabe!!

Sa mga gigs namin, lahat ang tawag sa kanya, si "Kelvin Yu, yung nasa Game Ka Na Ba!"

————————————————————————————————

Ang SURREAL nung pagka-panalo namin sa AWIT AWARDS.

Sa sobra kong kaba, nag-C.R. ako noong tinatawag ng the DAWN yung nominees. Bigla na lang, tumtakbo at sumisigaw si Kerwin ng "JUGS! Akyat sa stage, BILIS!!!!!"

Actually, wala kaming masabi onstage kasi di talaga naming inaasahang manalo kami dun. Hello? "Best World/Alternative Recording"? Labo, di ba? So sumigaw na lang kami ng "Wooooooooh!"

Pero OK lang, we’ll take it! Kakaunti lang ang mga taga-UR na nabigyan ng award that night, so we will take it wholeheartedly!! (tsaka wala naman kami sa MYX awards, eh… so ayuz na rin!) ^_^

————————————————————————————————-

Lalabas na po yung REPACKAGED album ng Noon Time Show sa July 1!

Sana supportahan niyo pa rin ito, kasi sa totoo lang, kailangan naming maka-benta pa ng mas maraming copies ng album (medyo mataas yata yung expectation sa amin ng UR). Sa pagka-alam ko, P280 lang siya. Grabe, 9 songs yata ang kasama, pati na rin mga videos namin, kaya sulit na sulit (as promised)!!!

Please, dun sa mga mahilig mag-download, kung wala pa kayong kopya ng album, here’s your chance. Sulit siya, PROMISE. (at hindi ito dahil kami ang may gawa nito, ha?). Grabe, sobrang punong-puno ito, kaya wag nang mag-atubili, bumili na kayo! Paki kalat sa mga kaibigan, kamag-anak, ka-trabaho, ka-eskuwela, kapamilya, kapuso, ka’tol, kabayan, etc etc na bumili sila nito PLEASE!?!?

At pls lang, BAWAL ANG PIRATED!!!

Yun lang po. Maraming SALAMAT!! =)

————————————————————————————————-

To vote for our music videos (on MYX)…..

Pls text: MYX VOTE BEER, send to 2366  ;

and/or MYX VOTE KABATAANG PINOY, send to 2366.

To Download our ringback tunes:

Hello Moto :(Globe) Text: HELLOMOTO, send to 2332

                 (SMART) Text: RING ADD 104393, send to 286

Kabataang Pinoy (Globe) Text: PA873, send to 2332!

23 Responses to “SuRrEaL”

  1. zarahjutz Says:

    congrats congrats! sana makita ko na din si kelvin para hihingi na din ako ng balato. haha. :D

  2. venus Says:

    wow! repackaged edition, bibili ako nyan!! pramis! kukulitin na naman kita sa pagpirma. hehe

    kasama ba yung video ng hello moto? ang kyot kse non eh!

    congratz po pala!! tsaka pakisabe kay kelvin ipa-raffle na lang yung ibang showcase sa mailing list na hindi nya kailangan. hehe!!

  3. JEMAN Says:

    uuyy… repackaged album? kasama ba ang “tollgate” sa repackaged album ninyo? bwahahahahaha. joke lang po. okay yan, bibili ako niyan. sana lang kasama ang HELLO MOTTO sa repackaged album ninyo. It’s one of my fave besides sa BEER (na i overly promote sa mga friends ko) na hindi mo man lang kami isinama sa video.

    btw, hindi ako isa sa mga humihingi ng balato kay kelvin ha! now ko pa lang kasi nalaman na nanalo pala siya (sorry, busy masyado. hehehehehe). atsaka wala na ako contact numbers ninyo kasi nanakaw cellphone kong lowtech. paki-congrats na lang!

    and congrats sa banda mo for winning at the Awit Awards. You deserve it guys! Cueshe nga di nominated dun eh. Hehehehehe.

    Kitakits na lang ulit! Dapat yata sumali na ako sa mailing list ninyo.

  4. -l- THYCKHANG Says:

    Kay kelvin..

    kelan ba tayo pedeng mag-date?

    dont worry nde ako papalibre..

    sabay tayong makinig sa ipod mo..

    HU-WAW!

    love na kita.. uyy laki mata nyan..

    bihira kc sa isang member ng band ung..

    may utak..

    naks…

  5. Jovan Says:

    Wow congrats sa inyo! :D
    Kelvin– woohooo balato! Hehe.

    Repackaged album??? Bakit ganun? Bakit kayo nagdadagdag ng mga kung anu-ano sa NTS? Huhu, ang saya ko pa naman na maging isa sa mga naunang bumili tas ang perks sa mga di pa nakakabili.

    (Bitter lang ako hahaha. Deadmahin mo na lang ako. Bibili rin ako niyan bullet day.)

  6. Maylene Says:

    hindi na pala ikaw ang dapat ko hingan ng pera… sali ka ngang deal or no deal! ye.

  7. AmEn Says:

    nyahaha….bumili na co ng NTS dati pa…repackaged album? pede libre nlng? harhar…aco din balato? (hala,dumagdag pa daw aco e noh?) geh, gudluck sa karir, bka next tear 2g2g na ren aco sa gig (haha, potah, lakas co tlga mangarap) geh..tc

  8. colleen v Says:

    wow, congrats!! nako lalo tuloy kayong napamahal sakin! <3

    aabangan ko yang repackaged album na yan! can you just send me a copy as a bday gift? bday ko sa jul 8 eh..JOKE LANG! pero aabangan ko talaga yan!!! :D

  9. Victoria Says:

    wow. bibili rin ako nun! :)

  10. VrendaMage Says:

    ansosyal-sosyal na ng itchyworms…

  11. Shellby Says:

    “i know u guys… wait… kelvin yu?? i saw u on game ka na ba”….”congrats!” hahahahhah…..

    kita kits sa airport! davao tayo ulit…. yahooo!!!!!!!!!

  12. janille Says:

    weeee!congratz itchyworms…….kelan ba nangyari yang awit awards na yan?…ahm….

  13. Daphne Says:

    hahahaha! ngayon ko lang nalaman na yumayaman na pala ang Kel dahil sa atras abante ng game ka na ba ha! aba ma-text nga, dpat ata magpakita nako. hahaha

    congrats sa awit awards ;) well-deserved jugs!

  14. MarieLouieJess Says:

    hahaha congrats for winning in the awit awards..hehe was the feeling like you were in a salvador dali painting? anyway thats life.. when you least expect it..baaam!!! it suprises you in ways you just cant imagine..

    -kelvin- watching kevin on game knb made me notice how cute (and smart) he is!!! and so is the rest of itchyworms!! well bout the money..pinoys are always like that..they would always be askin for balato..its like they think that they are that close to kelvin for him to share a bit of his winnings with them..hahahahahhaha..

    thill then..
    -theRaven_

  15. Madz Says:

    actually isa ako sa nanggugulo kay Kelvin… di naman ako nanghihingi ng balato, sabi ko painom na lang siya sa Mayrics, sa Monday.. hehehe…

    sa awit awards,ok lang kahit malabo ang category importante, nanalo kayo… and we’re really happy for that…

    repackaged album, yehey!!! I like that… and I will definitely buy that…

  16. Ruther Says:

    Bibili ako nung repackaged. :D

  17. -XaM kHuLet- Says:

    yehey!!!! promise bibili ako ng repackaged album! as in! tagal q din inabangan yan! whehehe… kita kits sa monday!!!=)
    CONGRATS!!!

  18. - Ria - Says:

    Congrats! :D Hahaha, I’ll definitely buy a copy of the repackaged alb. =)

  19. rona Says:

    pucha dapat painom c kelvin!

  20. lori Says:

    bibili ako nyan.. balato muna ke kuya kelvin… hihihi… saya*

  21. -l- THYCKHANG Says:

    CHINO: IN-ADD KITA A FWENDSTER, ACCEPT MO AH! LUVS YOU!

    ANYWAY.. BIBILI NAKO NG REPACKAGE ALBUM!

    WOOHOO!

    HAYYYYYYYY….

  22. kenshin Says:

    bkit parang lahat bibili ng repackaged?bad trip kc meron nko nung una..sana pwede rin i-release ng UR as EP yung bonus trax para may option nman yung mga loyal fans n nakabili n nung first edition.para maiwasan din ang pagDL at piracy. marami ng blog entry n nababadtrip sa mga repackaged albums…kc yung mga fans na nag-anticipate dun sa noontime show ang tendency ay bumili agad ng album…ngayon n may repackaged n…pano na yan??!!! cguro hindi naman cla ganun kadami ang pera para bumili ulit..

    example ng blogs na nabanggit ko…
    http://tabachoi.blogspot.com/2006/01/repackaged.html
    http://www.blogpoll.com/poll/act_Vote.php
    http://lastdodobird.blogspot.com/
    (blogs nina dodobird and tabachoi)

    tas may nabasa pa ko sa forums dati.may nagsabi nga n may repackaged album nga daw yung itchyworms.opinion naman nung isa hindi raw gagawin ng itchyworms yun…kc “makatao” daw sila…cguro nga, pero ang record label kaya nila?

  23. nko Says:

    WHEN Andy Murray announced that beating Roger Federer on Friday night was almost as good as winning the Masters Cup itself, he must have had an inkling that he had done as much as he could at the end-of-year jamboree. Defeating the Swiss

Leave a Reply