GRABE!
GRAAAAAAAAAAABE yung week(end) namin last week!
RUSH recording / mixing EVERYDAY (from monday to thursday) for the repeckaged stuff! (surprise ‘to, so ABANGAN!!!!) Tapos friday, lipad papuntang Davao! [Ang ganda sa Davao, grabe. Super linis! Parang Marikina x 10!). Masaya naman yung crowd sa Davao (kahit na umaambon); medyo nahihiya lang mag-rock out, pero alam mong gusto nila kami (actually someone told us that we were quite popular in Davao! ASTEEEEG.)
After the gig, ligo lang, tapos punta sa gimik place nila dun (parang makati bars nila) para maki-chika sa sponsors tsaka sa ABSCBN peeps doon. Nakaka-aliw na nakita namin dun si Faisal (isang taga-AMP dati na may bandang BLACK POTATO BAND, na ang tagal tagal na naming inaasahang makita!); tapos si Kelvin may mga nakitang kaklase niya dati sa AIM!
Anyway, 1st flight kami kinabukasan, so gumising kami ng 5am. Nasira yung computer sa airport, so ang tagal-tagal mag-check in! Nakarating kami sa Manila mga 10+ na. We had to take two vans (kasi may kukunin pa si Kerwin sa Alabang); Si Jazz, nag-vacation for that day (LUCKY HIM!)… We got Kaka (watch out for this kid, he’s a very good drummer!!!)
So anyway, natulog lang kami sa van hanggang Marilao (grabe, bagsak kami!!!). Kasama namin ang Cueshe (umulan talaga nu’ng kinanta nila yung ULAN. hahaha!) at Shamrock. Ang dami ring bumili ng CD namin, so maraming SALAMAT po!!! =)
After ng autograph signing / picture-picture, diretso kaming Rockwell for the MEG party. Nandun yung mga PBB Teen Housemates, at syempre, pinagtawanan na naman kami ni Bam (mas cute naman ako sa kanya, di ba!?! bwahahaha!)
AY, btw, gutom na gutom na kami by this time kasi walang time for dinner! Kumain na lang kami ng hamburger after ng gig, on the way to GH.
Last band na pala kami sa RT event sa Greenhills, pero madami pa ring tao! Anyway, di ko alam kung bakit, pero naisipan kong bumaba sa crowd habang kumakanta ng BEER… Ayon, nagsisi ako kasi nag-swarm sa akin yung mga orcs, at kinuha yung shades ko!!!
Taytayojan!!
After nun, pumunta pa akong Eastwood sandali para maki-bday kina Belle at Kiko, pero naka-alis na pala sina Kiko. So i just had one drink and called it a night.
Gumising ako kinabukasan ng 3pm na! hahaha (buti na lang, Sunday)!
Don’t worry, i’m not complaining! Napakasaya niya! Sana mas marami pang ganito. BRING IT ON! =)
June 26th, 2006 at 2:50 am
Hahaha, you saw Faisal? I remember him (although I don’t think he knows me). I’m sure Dewi does, too.
His band name is, um, unique.
June 26th, 2006 at 11:47 am
tsk. dapat kasi binigay mo na sakin yung shades mo eh, iba pa tuloy nakakuha. hahaha. yan ba yung lagi kong sinusuot?
June 26th, 2006 at 11:08 pm
Yup, Iskra!!
I might buy 2 pairs later
=)
June 27th, 2006 at 12:44 am
ahm…”pinagtawanan ni bam”?….batet naman?
June 27th, 2006 at 2:33 am
KC NAMAN JUGS, AMININ MO NA LONG LOST BROTHER MO SI BAM!
O BAKA BROTHER IN THE OUTSIDE?! —UYY JOKE LANG AH.. APPROVE MO NA TESTI KO SAU.. AZTIG! MWAAA SA NOO! MWAAA SA PISNGI! MWAAA SA PITAKA! MWAAA SA SALAPI!
June 27th, 2006 at 3:54 am
naku sana mas marami pang weekend na ganyan. yup, maganda sa davao…sa mindanao actually. sorry for the trademark shades, don’t worry, am sure sa dami ng gigs niyo that day, you could buy a gazillion pair! sana may kasamang old-school glasses yung repackaged album niyo! hehe ^_^
June 27th, 2006 at 9:48 pm
i was searching for the vidoe of beer on youtube tapos nakita ko isang video. bakit may naka-epal na artista? parang nilalamun nyo yung sinasabi nyo a? okey naman yung exposure nyo… curious lang ako..
June 27th, 2006 at 9:51 pm
by the way, stig ang video ng beer. hehe! i’m gonna get myself a repackaged album.
June 28th, 2006 at 2:40 am
To CUERVO:
“bakit may naka-epal na artista? parang nilalamun nyo yung sinasabi nyo a?”
- Kasi nakakatawa na kasama sila dun. Hindi ka ba natawa? Natawa ako. =)
June 28th, 2006 at 8:00 am
oh well, tama yun. ’twas funny! hehe! =) kelan kayo magkaka-gig sa pampangga?
June 30th, 2006 at 8:59 am
Hi, Jugs!
I super miss watching your band’s gigs! Hayyy…
Gusto ko talaga ng copy ng Little Monsters Under Your Bed. Anyway anyway eto ang kuwento ko sayo…
About AMP, alam mo ba na natanggal ang accreditation nito?
Sayang kasi doon kayo nanggaling at naging president pa si Chino doon. Hindi kasi nagpasa ng portfolio for two consecutive years ata yung president.
Kakalungkot…
So wala nang AMP tambayan, hindi suportado ng AdMU mga happenings ng org. na yun, at siyempre hindi na puwede gamitin ang “Ateneo Musicians’ Pool” kasi may Ateneo yun. Eh since unaccredited na ang AMP, hindi na puwedeng may “Ateneo.”
Dehm.
Lekat.
July 2nd, 2006 at 6:54 am
Yeah, i heard.
Very, very sad.
Sobrang sayang yung trinabaho ng 10 generations ng AMP, para lang sa isang technicality na napakadaling gawan ng paraan, wala nang AMP.
Pero, ang alam ko, moderator pa rin ng (A)MP si CD. Kung ako sa kanila, maghanap na lang sila ng ibang acronym ng AMP! (Association of Musicians and Performers, or whatever!)
July 4th, 2006 at 5:43 am
Heehee yeah good idea good idea about AMP… Sayang talaga…
Coolness moderator pala yung girlfriend / soon-to-be asawa mo ng AMP?! Ang asteeeeeg, mehn.

Shucks sana magawan ng paraan noh…? Sayang yun. And sana mayroon pa ring N.I.B. (Nag-iisang Buwan) para tumugtog kayo ulit!
Wait wait may question ako (sorry intrigera…nagulat kasi ako eh)–
Is CD a teacher? Kasi yung mga scholar friends ko sila yung mga taga-enlist ng mga subjects ng freshies, juniors, and seniors. And kahit na hindi ako scholar, nakikiepal ako sa ginagawa nila sa computer lab. Tapos noong reg. day, nakita ko yung list of teachers sa Fine Arts ata. Tapos nakalagay doon parang studio subject blah, tas nakalagay Christina Dy. Siya ba yun?
If yes, WHOA! Ang coooooooool teacher din si CD sa Ateneo?! Asteeeeg. Her job is so noble.
Heehee wala lang.
July 6th, 2006 at 11:06 am
Yup, siya yun! =)