GRABE!
Sunday, June 25th, 2006GRAAAAAAAAAAABE yung week(end) namin last week!
RUSH recording / mixing EVERYDAY (from monday to thursday) for the repeckaged stuff! (surprise ‘to, so ABANGAN!!!!) Tapos friday, lipad papuntang Davao! [Ang ganda sa Davao, grabe. Super linis! Parang Marikina x 10!). Masaya naman yung crowd sa Davao (kahit na umaambon); medyo nahihiya lang mag-rock out, pero alam mong gusto nila kami (actually someone told us that we were quite popular in Davao! ASTEEEEG.)
After the gig, ligo lang, tapos punta sa gimik place nila dun (parang makati bars nila) para maki-chika sa sponsors tsaka sa ABSCBN peeps doon. Nakaka-aliw na nakita namin dun si Faisal (isang taga-AMP dati na may bandang BLACK POTATO BAND, na ang tagal tagal na naming inaasahang makita!); tapos si Kelvin may mga nakitang kaklase niya dati sa AIM!
Anyway, 1st flight kami kinabukasan, so gumising kami ng 5am. Nasira yung computer sa airport, so ang tagal-tagal mag-check in! Nakarating kami sa Manila mga 10+ na. We had to take two vans (kasi may kukunin pa si Kerwin sa Alabang); Si Jazz, nag-vacation for that day (LUCKY HIM!)… We got Kaka (watch out for this kid, he’s a very good drummer!!!)
So anyway, natulog lang kami sa van hanggang Marilao (grabe, bagsak kami!!!). Kasama namin ang Cueshe (umulan talaga nu’ng kinanta nila yung ULAN. hahaha!) at Shamrock. Ang dami ring bumili ng CD namin, so maraming SALAMAT po!!! =)
After ng autograph signing / picture-picture, diretso kaming Rockwell for the MEG party. Nandun yung mga PBB Teen Housemates, at syempre, pinagtawanan na naman kami ni Bam (mas cute naman ako sa kanya, di ba!?! bwahahaha!)
AY, btw, gutom na gutom na kami by this time kasi walang time for dinner! Kumain na lang kami ng hamburger after ng gig, on the way to GH.
Last band na pala kami sa RT event sa Greenhills, pero madami pa ring tao! Anyway, di ko alam kung bakit, pero naisipan kong bumaba sa crowd habang kumakanta ng BEER… Ayon, nagsisi ako kasi nag-swarm sa akin yung mga orcs, at kinuha yung shades ko!!!
Taytayojan!!
After nun, pumunta pa akong Eastwood sandali para maki-bday kina Belle at Kiko, pero naka-alis na pala sina Kiko. So i just had one drink and called it a night.
Gumising ako kinabukasan ng 3pm na! hahaha (buti na lang, Sunday)!
Don’t worry, i’m not complaining! Napakasaya niya! Sana mas marami pang ganito. BRING IT ON! =)