Mag-BEER muna tayo!

Nu’ng isang gabi pumunta ako sa SaGuijo mag-isa para tumambay, kasi maaga kami natapos sa gig/taping. Eh, sabado yun, so akala ko ang daming may tugtog…So nag-text ako lahat ng mga band people kung saan ang gig nila.

Surprisingly, lahat sumagot na wala silang gig… Weird no? Anyway, ang sumagot lang sa akin, si Katwo. Sabi niya, Ninja Kiss daw sa SaGuijo. Ok, eh wala naman akong magawa kaya pumunta na din ako, para panoorin yung Narda and Bagetsafonik tsaka para makausap din si Nico P para sa isang project. Ok na din kasi nakatambay ako (matagal na ako’ng hindi tumatambay for the sake of tambay lang) with Anjo+Clade, Jason, Cris Ramos, Bernie+Marcus, Nico and Katwo.

Anyway, habang nanonood ako ng Narda, naka-upo ako sa floor… Tapos may isang lasheng na jologs na tumabi sa akin… sabi niya, "IDOOOOOOOL!!! Ano’ng beer gusto moooooo? Sagot ko!" Sabi ko, "Wala, thank you," Sabi niya, "Walang ganung beer!"

Tapos lumayo siya ulit….

Tapos after a while, lumapit na naman, sabi niya, "Sige na idooooool, kanta ka naman!!!!… yung MAKITA KANG MULI, galing sa Panday!!!" Then he began singing, "Ipaglalaban ko… ang ating pag-ibig….."

Tangina, labo…. Sobra ako’ng labong-labo pare. Lumabas na lang ako. Tapos maya-maya, na-realize ko, naka-Fatal Posporos t-shirt ako… Na parating suot ni Vin.

So look at it this way, first time nangyari to… Akala ng isang tao ako si Vin kaya akala niya na ako si Ebe!

Apparently, BEER can do that to you!

JUGS

PS. Pls vote BEER by texting: NUVOTE BEER, send it to 29107. Thank you!! =)

7 Responses to “Mag-BEER muna tayo!”

  1. Madz Says:

    Jugs napagkamalan kang si Vin na parang si Ebe… hehe.Ang lakas ng tama nun ah… Seriously, I agree with you. Iba talaga ang nagagawa ng beer. You can actually do things that you can’t when you’re not drunk. And sometimes, somehow it can help you forget the ache of your heart even for a while. Parang yung sa kanta n’yo “ibuhos na ang beer sa aking lalamunan… upang malunod na ang puso kong nahihirapan…” But of course, beer or any alchols can’t really spare you from pain. Pag gising mo kinabukasan masakit pa din yun tapos may hang-over pang kasama. Masaklap pa dun kahit masakit na gusto mo pa ring sabihing “Akin ka na lang…wala nang hihigit pa sa ‘yo…”

  2. Lee Rances Says:

    hahhahahha

  3. LUANNE Says:

    hahaha. walalang =)

  4. Ruby Says:

    ang haba ng segueway before the main point. Sige na, we’ll vote na. =)

  5. bababom's wife Says:

    kuya! ang adik nya ah! pasaway! btw kuya theme song nmin ng bf ko ung ‘akin ka nalang’ hehehe! itchy rocks!=)

  6. JUGS i FULL Says:

    Hahaha!
    Maraming Salamat!! =)

  7. Madz Says:

    ay Jugs, kailangan kong sabihin to… nag-guest si Ebe sa NU at sabi niya “please lang wag n’yo nang pakantahin nang Panday si Jugs…at pati ako wag n’yo na rin pakantahin nun…” Hehehehe. Itaas na ang BEER!!!

Leave a Reply