Walls Have Eyes
Kahapon pagkatapos naming kumain ni Alex (business partner ko) sa Snackaroo (isang malupet na steak house sa may Kamuning area), nag-MRT ako pabalik sa Mandaluyong. Nagpabili sa akin si Alex ng tatlong 8-in-1 DVD ng mga NBA stuff, so may mga Micheal Jordan, etc…. Anyway, habang hinahanap ng tindera yung mga DVDs, eh di tumingin na rin ako ng mga pirated audio cds… May nakita akong malupit na pirated cd…. ERASERHEADS live and acoustic!
Nung una, akala ko japeks kasi nga naman, hello? di ba? wala namang ganun eh… Pinakinggan ko, tapos mukhang legit naman na bootleg! So sinama ko siya sa mga bibilhin ko. Teka muna, bago kayo mag-react….
HINDI AKO BUMIBILI NG PIRATED AUDIO CDs.
Or at least, matagal na akong hindi bumibili ng pirated (actually bago pa binaba yung OPM CDs to P250). Pero, hindi ako maka-hindi dito dahil una, syempre, i’m a big fan of the eheads, di ba? tsaka tangina, saan ka pa makaka-kita nun? wala namang ganun sa Tower or Odessey, di ba? So ayun…
Pero i repeat, PIRACY IS BAD. Please, do not buy pirated cds (especially OPM cds).
Anyway, hindi pa yun yung end ng story ko…Habang binabayaran ko yung mga binili ko, may lumapit sa akin na isang batang naka-black na mukhang punks, tapos tinitigan niya ako ng mga 3 seconds, tapos sabi niya, "Kuya, di ba itchyworms ka?"
Shet. Huling huli ako. Nakakahiya talaga!!!
Ayun lang…. Sorry! Basta, moral of the story is: Don’t buy PIRATED cds… or at least, pag may banda ka, tapos may album kayo (actually kahit wala), wag ka na lang bumili ng pirated… nakakahiya! di mo alam kung sino ang makaka-kita sa iyo.
Yun lang naman. ingats!
=)
April 19th, 2006 at 5:55 pm
The answer, my friend, is to ask a friend to buy it for you.
I have a similar stand on audio CDs that are unavailable locally, but I still ask a friend to buy it for me. Call it hypocrisy, call it what you want, but it’s not right and it’s not fair that we still can’t find legit copies of Duncan Sheik’s “White Limousine.”
Si Dale Ibay nga, nakita ko may pirate na nga. LOL
My Itchyworms CDs are legit. Support local music! Buy orig!
April 19th, 2006 at 9:18 pm
hahahaha!!!nahuli!!ok lang,bata naman eh,atchaka ok lang na bumili ng pirated kase nacurious ka…kahit once in a lifetime lang..hehe…
anyway,i had fun reading your posta!..hehe…nakakatuwa…and take note,may ‘moral’ pa!!..hehe…dapat pinapublish na to sa newspaper!!!wakeke!…
ngatz…sa mga stalker na bata….ahahaha!~!!!
April 20th, 2006 at 12:58 am
Wakekeke..benta to sa akin ha!oo nga pala may nakita akong BURN CD ng NTS sa Circle C sa ma MunyoZ!!for only 3 for 100..35 pesos ang isa..shet yun..badtrip!!bumili ako ng Orig tapos may ganun??tang ina nila!!
April 20th, 2006 at 5:55 am
Nakakain na ko sa Snackaroo with my Cinderella officemates before.
Hahaha, walang kakwenta kwenta yung comment ko sa blog na to.
April 24th, 2006 at 11:16 am
eh asan na yung CD? sayang naman manghihingi pa naman ako ng kopya, wahehehe!!
April 26th, 2006 at 1:36 am
sana nagpa-burn ka na lang sakin nung “eraserheads: live and acoustic”. pinapamigay lang sa listers yun nung headstock eh. hindi kasi nagtatanong. heheheh…
DARWIN BUENA
09275921882