Musta!?!
Hey there!
It’s been a while…
Honestly, na-adik ako mag-blog dati dahil walang NBA Fantasy… Eh ayun na nga, dahil patapos na ang NBA Fantasy (talo ako … LECHE!), eto na naman! =)
Sorry, ang daming kwento pero di ko maisip lahat… Medyo madaming naipon eh. Nakakatawa nga na last post ko dito yung Wowowee picture ko pa (before the accident!).
Anyway, ok naman lahat sa amin. Actually, it’s never been better! Ang suwerte-suwerte namin ngayon! Maraming maraming salamat sa lahat ng sumosuporta! We love you all!!!!
Medyo may concern lang ako sa PBB… actually yung reaction ng ibang listers namin re: PBB. Sabi ng iba, sana wag sumikat yung PBB Teen edition… para di kami ma-"baduy"… Ang daming negative reactions about our PBB thingie… eh karamihan dun sa mga nagre-react ng exagge ay yung mga bagong sali na listers na hindi pa naririnig yung kantang ginawa namin!!!
NAKAKA-ASAR!!! Unang una, yung mga totoong friends/listers/fans namin na kasama namin from the start, supportive sila sa move na ito. Naiintindihan nila na isang magandang way ito para maidala sa buong Pilipinas ang message ng NOON TIME SHOW : pagandahin ang quality ng entertainment sa Pilipinas! Isipin niyo… Kung yung mga masa, magustuhan yung kantang Kabataang Pinoy (or at least magka-recall yung pangalan ng itchyworms dahil nga araw-araw ipapalabas yun sa TV), macu-curious yung ilan sa kanila sa album(s) ng banda… Pupunta sa mga show (kahit na out of town)… MAKIKINIG sa mga ibang kanta.
Eh di yun na yun! Di naman kailangang bumili ng kopya ng album yung mga sinasabi nilang "baduy na masa"… (although ok din kung bumili sila … kahit na repackaged! hahaha)…. Kailangan lang, makinig sila sa message ng NTS. At kung may ilang naka-gets, eh di masaya na kami… Kasi otherwise, we wouldn’t have reached those people if it weren’t for PBB. Di ba?
Tsaka btw, we’re proud of the song. Pinaghirapan naming isulat yun (lyrics were given by ABSCBN, but we changed some of it… Lalo na yung Chorus). Importante kasi sa amin na hindi namin ikahihiya kantahin LIVE yung kanta. And if you’ve heard it already, tunog itchyworms siya. (Actually, natuwa nga kami slightly nung naikuwento sa amin ng kaibigan namin na naingayan yung mga ABS execs… hahaha! Eh kaya nga tunog ng Kabataang Pinoy! Naiingayan yung mga matatanda! =) PEACE!)
Basta, kung hindi niyo pa naririnig, wag niyo munang husgahan. Pakinggan niyo muna.
OKS?
April 15th, 2006 at 9:39 pm
Tama.
April 16th, 2006 at 12:11 am
onga naman! BASTA AKO SOBRANG GUSTO KO YUNG KABATAANG PINOY! tunog itchy xa!!! paramis!
April 16th, 2006 at 3:14 am
Congratulations sa inyo! Ang galing galing..ang saya saya! =)
April 20th, 2006 at 5:41 am
ako umpisa pa lang ng band nyo supportado na ako..since ATIPARA days!!as in First album nyo “little monsters under ur bed”..umpisa pa lang..mga grade 3 ata ako nun…ngaung 4th yr hs na ako..at may original na kopya ng Album nyo…tapos PBB..Masaya ako para sainyo alam ko naman matagal nyo na yang ina-asam kaso…Natatakot akong may “MAGBAGO” baka lumaki na mga Ulo nyo… kasi may kilala akong bandang ganun eh (tunog ilog sya.no comment.)..Pero alam ko namang WALA..”SANA-SANA”..susunod nyan may SARILI na KAYONG BOUNCER!!…eheheheh..sikat na kayo!!Siet..MainStream ehehehhehe..Joke lang!
April 22nd, 2006 at 9:06 pm
ive watched the vid na, the song was really nice! it was very very catchy. some people think nga lang na baka ndi kayo sumikat or whatever.. pero ako support all the way.. woohoo in fairness pareho kami ng experience ni bembang hibang.. grade 3 pa lang din ako when i first heard Antipara.. haha pero im not saying na old na kayo (hehe) ang ibig ko lang sabihin you’re thisclose to being a legend.. naks naks naks! haha. pero in fairness i like your necktie thing hahahaha :p
April 23rd, 2006 at 2:23 am
oi jugs! ;o)
ako di naiinis. di rin naman ako natutuwa. pero natuwa ako para sa inyo. gets? eyng? basta yun. ewan ko. pinanganak kasi akong retarded eh. me pagka-apathetic ako sa mga bagay bagay. pero. yun. nagreak lang ako “bayolensly” kasi parang nakakapagtaka. sa nts kasi parang tinira nyo yung lokal showbiz particularly noon taym shows. dahil sa mediocrity ng entertainment na ino-offer nito. pero kung tutuusin, you’re far from mediocre. so i guess ok naman. astig yung korus. kudos ke kuya jazz. sa unang rinig me itchy flavor talaga siya. buti malakas kumambyo yung korus kasi yun yung malupet don.
…teka. sabi ko apathetic ako. bat ako nagrereak? haha. siguro kasi tinatry ko maging empathic. nakakabadtrip na rin kasi yung maraming dumidis eh wala naman sila sa position kase di naman sila kalahok sa kreatib process. yun yung naisip ko nung simula eh. “bat kaya sila pumayag tumugtog ng PBB theme? watduheksgoingon? pero sige, baka ito na yung malupet na break na inaabangan nating lahat. sige. sit back en enjoy.”
ako walang pake sa PBB. di naman ako nanunuod non. andami ko ng sinabi di ko pa kayo kinongratyuleit. kongrats! =0p
oi ni-link nga pala kita sa blog ko. hehe. sige isang apir ulet pag nagkita tayo.
April 26th, 2006 at 12:54 am
Hi jugs!! hello..astig pramiz ng blog mo..eniweiz, tungkol dun sa PBB, hmm nung una kong nalaman na kayo na ung tututog ng theme song nun e sobrang tuwang tuwa ako… astig nga kayo pa.. wow sbi ko sa sarili ko…well for me, masaya ako kasi ibang level na to ng band nio… kakantahin nio ang theme song ng isang teleserye ng totoong buhay..hmm congrats ah. astig nung narinig ko yung buong song nung opening ng pbb… well im happy talaga for your band..
hmm well nagulat ako dun sa mga nagrreact ng negative…hmm ang sa totoo lng bagong lister ako ng band nio, pero di ba dapt todo support kahit na bago ka pa or matgal ka na..ksi mahal mo yung banda, nagugustuhan mo ung genre ng music nila, ang lahat sa pinaghirapan nilang mga songs at higit sa lahat kung pano ka nila natutulungan through their songs.tapos. ang iba siguro hindi open minded sa mga opportunities.. well hindi nman dapt ang buhay ay iikot lng sa isang scene na palaging paulit ulit…kailangan din ng pagbabago…katulad po ng album niong NOON TIME SHOW. grabe..pinakita nio tlga dun kung anu tlga meron sa atin.. hndi na nagbago..lalo ko kaung ngustuhan nung napakinggan ko ung buong album..astig..kakaiba.. gusto ko ung Soap o pera.. tama wla taung originality..masakit.. ouch.. oo tma..un ang katotohanan..kaya sobrang naastigan ako kasi dun sa kanta tlgang pinakita kung ano tlga tau..well sana mgkaron ng progress…well soon time will tell diba?? umm…well salamat sa mgandang album..astig po kau.. well wish u ol the best po.. wel, jugs keep up d gud work po..astig..love ur band.. salamat sa patuloy niong pagbibigay ng ligaya!!! bsta naniniwala akong kaya po ng itchy lahat!! well kahit di pa ako nakakapunta sa mga gigs nio e im watching u guys nman sa tv..hehe cenxa po.. bata pa daw ako.. haha well rock on po!! astig!!
*MaAn_17*
May 13th, 2006 at 11:01 am
hoy! kung wala kayong ssabhin na maganda sa itchyworms/ connect sa itchyworms LUMAYAS NALANG KAYO D2 SA BLOG! DI KYO KELANGAN! LAYAS! sumpain sana kayo ng mga kampon nila LEI-AR (shaider) kuya jugs! astigerzzz! =D