Dear Ayie…
Tuesday, April 25th, 2006Here’s a Friendster message i got recently from one of our favorite listers, Ayie. Attached also is my reply to her.
Have fun!
About your blog entries… (pasensiya kung mahaba…
sana
naman ay mabasa mo ito nang mabuti)
Ha ha ha sorry hindi ako maka-comment sa blog mo
e. Tabulas kasi ako e. Eh hindi ako marunong
magsign-up for Friendster blogs e. Wala kasi
ganyan sa tinitirahan kong bundok ng Tralala. Ha
ha ha joke lang eh hindi lang talaga ako marunong
magblog sa Friendster e.
Anyway, ha ha ha I just really have to ask you this
question–PAANO KA NAGREACT NUNG
TINANONG SAYO NG PUNKS BATA KUNG TAGA-
ITCHYWORMS KA? Ho maii…dineny mo? Anong
sinabi mo? Ha ha ha ang cool nagcocommute ka
pala! Ako nga hindi ako pinapayagan e.
Palibhasa unica hija…
At tsaka yung sa mga nananampalataya na
sana
hindi kayo umuso, aminado ako na lumabas rin yan
sa isip ko. What if…mapalayo na kayo sa mga gig
goers ninyo (kagaya ko na paminsan-minsan…
kapag may pagkakataon na makapanood sa
Saguijo o kaya sa Areneo o kaya sa Market!
Market!) o kaya…ewan. Basta dadami yung fans
ninyo tas ewan… Naisip ko rin yun. Pero hindi
naman sa point na ipinagdarasal na
sana
hindi
kayo umuso. Pangit naman din yun. Eh ultimong
ang
Orange
and Lemons e–kahit na umuso sila
after Pinoy Big Brother, gusto ko pa rin sila. Hindi
ako nabaduyan sa kanila. Pero nakakabuwiset
lang ‘pag binabansagan sila ng showbiz industry
ng titolo o ano mang "Novelty song banda"
etchos…basta yung parang sa
Rivermaya…yung "Banda ng Bayan." Ha ha ha
naaasar ako doon. Parang "
Asia
’s Songbird." Ha
ha ha ano kaya yung sa
Itchyworms? "Pambansang Higad"? "Bulate ng
Bayan"? Ha ha ha ewan… Pero basta wala
lang…kasi hindi naman mukhang lumaki yung ulo ng
ONL e. Ewan ko. Kayong mga OPM bands ang
nakakaalam niyan kasi hindi ko naman sila
nakakasama. Pero magaling talaga ang mga kanta
nila.
Ha ha ha basta ang punto ko ay RELAX LANG,
Jugs. Naiintindihan ko yung nararamdaman mo
regarding those who pray that your band doesn’t
succeed in the OPM industry. Nakakaasar nga na
ganyan yung mga ibang listers… Pabayaan mo,
kapag narinig na nila yung kanta ninyo sa PBB,
baka iba na ang maging reaction nila.
Ha ha ha mukha bang nawawalan ka ng gana na
magpush through with the Lister’s Party?
Ayun lang. Baka manood ako ng gig ninyo sa
Mayric’s ngayong Monday. Hindi pa sure.
Depende kung maraming gagawin sa school kasi
summer sem ako sa Ateneo ngayon. Basta kung
hindi man ako makapanood, sinusubaybayan ko pa
rin naman kayo sa t.v. o kung saan man. Ha ha ha
not in a stalker way naman… ha ha ha Fan lang
talaga ng Itchyworms.
At tsaka btw, umm… kapag nakita ko kayo ulit, okay
lang ba na humingi ako ng autograph sa inyo para
sa tatlong / apat kong kaibigan?
Okay lang ba?
Hindi ba hassle? Kasi yung isang friend ng
blockmate ko…nung pinanood raw kayo sa AA
Fair, parang umiyak ata nung hindi kayo nalapitan
para magpa-autograph. Ha ha ha ewan… so
tinatry ko na lang gawin for her.
Thanks so much for taking time to read this (ha ha
ha that is kung nabasa mo nga nang maigi…ha h
haaa)
Ayie
Hey Ayie! Sorry for the late reply! Medyo naging busy din the past few weeks… tsaka i seldom check this account na (add me sa dyugs@hotmail.com) Easy lang magreply sa friendster blog, basta may friendster account ka, ok na!
Anyway, i’ll try to answer all of your questions…
Yes, i commute sometimes… Ang mahal na ng gas eh! Pero tinatamad ako pag super init.
Yup, inamin ko sa punks na taga-itchyworms ako.
Hindi ako marunong mag-sinungaling eh! =)
(Kaya tingin mo showbiz ako)
Sige, i’ll be honest… Kaya ako nairita kasi kung kakilala mo talaga kami, alam mo na hindi kami magiging mayabang eh. Yun yung gist nun. Steady kami kasi barkada kami. Mas rock star pa nga ang mga ibang roadie ng ibang banda kaysa sa amin eh. Kaya ako nainsulto na may mga mag-isip ng ganun.
Kami, hindi nagbabago. Ang nagbabago ay yung tingin ng tao sa amin.
Yeah, tuloy pa rin ang lister’s night. Of course we love our listers!!! Ikaw ba ang project head nun? astig. =)
Finally, about being "showbiz", i don’t think we have anything more to prove. We put out the album and everything else is gravy. Kahit na mag-PBB theme song pa kami ng sampung beses, tumugtog sa Eat Bulaga, sumali sa GKNB, manalo sa Wowowee, makasama sa cover ng Kris magazine, maging (extra) actors sa mga sitcom/soap operas, …kahit na magka-love team pa ang isa sa amin…alam na ng mga taong matatalino na kasama sa mockery lahat yun.
Kumbaga, gagamitin namin ang makinarya nila para makarating sa mas maraming tao ang mensahe namin na against sa kanila.
Kung walang maka-get nun, pasensya na lang!
Peace,
JUGS
=)