Homeboy
Medyo surreal kahapon…
Nag-guest kami sa HOMEBOY… Guest nila si Ate Vi (’d wan en onli!)… We had to sing five songs previously recorded by her (siguro during the sixties or something). Pero tatlo lang ang na-practice namin. Ok lang naman…. Panget talaga yung 2 iba eh. Anyway, apprarently, super fan siya ng Pinoy Big Brother. Labo…
Nag-guest din dun yung mga na-evict na contestants ng PBB. Tangina, may itsura pala sila. Seryoso, nagulat ako. At hindi lang yung mga babae, ha? Actually, mas nagulat ako sa mga lalake. (Sorry hindi ko alam yung mga pangalan nila… di ako fan eh… pero nanonood ako minsan.)
Nagulat talaga ako kasi sa TV, medyo wala silang dating… Sabi ni Kelvin, dahil daw sa Big Brother house, naka-pambahay lang sila, tsaka walang make-up. Sige, given yun… Pero napapanood ko din yung mga guestings nila sa mga NoonTime Shows tsaka sa Myx… wala talagang dating! Siguro kasama na dun dahil hindi naman talaga sila marunong mag-host pero pina-pag-host sila. Pero men, sa personal, may histura pala! Kahapon ko lang na-gets kung bakit ang daming fans ang PBB. According to Chino, medyo KULTO na nga ang dating eh. Complete with the dance number. Grabe…. Muntik na nilang natabunan si Ate Vi.
Anyway, at least pinakanta nila sa amin yung AKIN KA NA LANG sa end… tsaka nakapag-pomote kami… Next Monday yata lalabas ‘tong episode na to. Sana maabutan natin!!
November 15th, 2005 at 11:54 pm
pare, i was driving one morning, then suddenly narinig ko ‘tong latest single niyo! sabi ko, “uy! sila jugs ‘to!” narinig ko uli kanina, sabi ko sa ate ko, “kilala mo pa si eric? sila kumanta nito!” sabi niya, “ows?, ok ah! ang ganda ng boses!” NAKS nman!!! hehehe, iba na ang sikat! keep it up bro!
November 16th, 2005 at 4:40 am
twing kelan po ba at anong oras ang Homeboy?