Archive for November, 2005

Nuff Said

Friday, November 25th, 2005

Jugs_heart_1

The Exorcism of Emily Rose

Thursday, November 24th, 2005

Napanood namin yung "The Exorcism of Emily Rose" kagabi.

Pucha, ang ganda niya.

Sobrang ganda ng story, script, acting, lighting, cinematography, basta lahat!!! Walang panget. At shyet, it will scare your pants off!!!

But the GREAT thing is that it’s NOT just your typical scare-fest movie.

It is much, MUCH more!!

Watch it! Please!!!

JUGS

PS. Ipapalabas na po ang award-winning movie, "Ang Pagdadalaga Ni Maximo Oliveros" (Nanalo si CD dun ng Best Production Design) sa Nov.30 sa selected SM Cinemas. Panoorin nating lahat!!!

Homeboy

Tuesday, November 15th, 2005

Medyo surreal kahapon…

Nag-guest kami sa HOMEBOY… Guest nila si Ate Vi (’d wan en onli!)… We had to sing five songs previously recorded by her (siguro during the sixties or something). Pero tatlo lang ang na-practice namin. Ok lang naman…. Panget talaga yung 2 iba eh. Anyway, apprarently, super fan siya ng Pinoy Big Brother. Labo…

Nag-guest din dun yung mga na-evict na contestants ng PBB. Tangina, may itsura pala sila. Seryoso, nagulat ako. At hindi lang yung mga babae, ha? Actually, mas nagulat ako sa mga lalake. (Sorry hindi ko alam yung mga pangalan nila… di ako fan eh… pero nanonood ako minsan.)

Nagulat talaga ako kasi sa TV, medyo wala silang dating… Sabi ni Kelvin, dahil daw sa Big Brother house, naka-pambahay lang sila, tsaka walang make-up. Sige, given yun… Pero napapanood ko din yung mga guestings nila sa mga NoonTime Shows tsaka sa Myx… wala talagang dating! Siguro kasama na dun dahil hindi naman talaga sila marunong mag-host pero pina-pag-host sila. Pero men, sa personal, may histura pala! Kahapon ko lang na-gets kung bakit ang daming fans ang PBB. According to Chino, medyo KULTO na nga ang dating eh. Complete with the dance number. Grabe…. Muntik na nilang natabunan si Ate Vi.

Anyway, at least pinakanta nila sa amin yung AKIN KA NA LANG sa end… tsaka nakapag-pomote kami… Next Monday yata lalabas ‘tong episode na to. Sana maabutan natin!!

Hyperrelay!

Friday, November 11th, 2005

Oi!!!

Nabuhay ‘tong blog ko!!

May bagong game ngayon, galing sa Level Up! Tawag dito HYPERRELAY!

Pls log on to www.hyperrelay.com

We will be the "celebrity" gamers for one whole month! Maglo-log-on kami ng around 3pm, 6pm and 9pm EVERYDAY!!!

Ayos ba?

Pwede tayong mag-chat at mag-trash talk dun! Tara, sali na, dalhin ang barkada! Pumunta na sa isang popular na internet cafe (tulad ng NETOPIA) or sa bahay niyo! Kahit na dial up lang, pwede!! Tsaka mura siya kasi di mo kailangan mag-bayad!

Panalo yung mga "mini games" dito! Isipin mo, parang naglaro ka ng 12 in 1 game sa FAMILY COMPUTER, pero 30 seconds lang per game, tapos mga 10 games in one round. Simple lang, Space bar lang tsaka mga arrow keys ang gagamitin!!! Masaya siya, promise (lalo na pag hindi ka talaga gamer… yung tipong trip lang, ganun.)

Basta, kitakits tayo dito, okei mga Ka ‘Tol?!?!

See ya!!

JUGS

Mister_love