Coño Rock!
Noong isang gig, pinag-uusapan namin si Cowboy, yung anak ni Sampaguita.
Anyway, naisip namin, bakit lahat ng mga coño bands, Classic/70’s Rock ang trip? Pls pardon the word coño… I know some people might get offeneded with that… Basta yung mga tipong Wolfgang, Razorback, DRT, Kjwan, etc etc… Lahat sila mga Led Zep, Black Sabbath etc. etc. ang trip!
Tapos, naglabasan na ang mga theories…
May nagsabi na mas nakaka-relate daw sila ("Di ba kamukha ni Robert Plant si Basti?")…
Baka din sa barkada, school or environment…
Pero ang pinaka may sense ay dahil sa parents nila…
Dahil nga "well-off" sila, noong 70’s, sila lang ang naka-afford na makabili
ng mga rare foreign vinyls… tulad nga ng mga yun.
Tapos they had the luxury to live (kahit na sandali lang) a "hippie"
lifestyle… Kasi nga mayaman. Kaya yung mga kids nila, ganun din ang trip.
May sense ba yun?


September 12th, 2005 at 5:35 am
Ka-work ko yung pinsan na Manuel Legarda na apparently pinsan din ni Mig Ayesa. Wala lang, naalala ko lang kasi Wolfgang. HAHAHAHA
January 6th, 2006 at 4:21 pm
sir tatanong ko lang ho paano naging conio rock sa paningin niyo ung wolfgang at razorback? dahil ba mayaman sila? interesado lang ako di ko kasi alam mga buhay nila eh… musika lang talaga nila pinapakinggan ko eh. musikero din po ako at nagkataong nahiligan ko rin ang led zep… dahil po ba yun sa may kaya kami? although medyo naiintindihan ko kung ano ibig niyo sabihin e baka ma misinterpret lang ng iba. at isa pa po… di niyo ba gusto tugtugan ng razorback at wolfgang?… at bakit niyo sinama si marc abaya(kjwan) diyan? alam ko talgang conio siya pero ma mention in the same air as wolf and razor?