Txtan Ü

Texter #1: San n u? D2 na me!  ;-D

Texter #2: Sorz, la me WhEelz 2day. Giv k sNa i2ng fÜd sa u. CnaBi kse ni daDi k ka n. Cge, ingatz! (",)

Texter #1: k

Please lang, kung magte-text kayo sa akin, huwag niyo akong i-text ng ganito, okey!?!?!? 

My God, these texters will not only put to shame the English and Filipino languages, but they will also destroy the vernacular. Pagdating ng araw, ganyan na magsalita ang mga Pilipino. Gusto niyo ba yun?!?

Unang una, ok lang naman na mag-tipid sa space sa text, napaka-mahal naman talaga ng mga bilihin ngayon. Every Peso counts! Pero dapat, tama pa rin ang sentence stucture mo! Dapat ganito: Sankana? Dito na ako. Ü

Napakahirap ba nun gawin? Yung "me" tsaka "ako" … 1 character lang naman yung difference!! Bakit hindi pwedeng i-text nang maayos? At kung space yung problema, pwede pa rin naman paliitin mo lang yung mahabang word. Kunwari, tanggalin mo yung ibang mga vowels… i.e.,  Evn Numbr. Basta tama pa rin dapat ang pagkagamit.

Tsaka, kung ang gusto mo ay magtipid ng oras at pindot, bakit ka gagawa ng sentence na may malaking letter sa gitna or sa huli? bakit mo ginagamit ang "Z" para sa "S"? Ang "C" para sa "Si"? Bakit " Ü " ang gamit mo para sa word na may "u" parang AqÜa? Bakit may time ka pang gumawa ng mga smiley na sobrang komplikado (tulad ng mga smiley na angel…kumpleto pa na may pakpak at halo!!) kung puro short cut lahat ng text mo?!?

May mga students si CD na text-speak ang gamit pagnagsu-submit ng ESSAY PAPERS. Sa Ateneo yun ha. Paano pa kaya sa ibang schools??

Hindi naman mahirap mag-text ng maayos eh. Please, make a conscious effort to spell the words correctly. Tandaan, pag hindi naintindihan ng tinext mo kung ano yung sinabi mo sa kanya, nag-sayang ka lang ng PISO.

5 Responses to “Txtan Ü”

  1. Wolfmann FULL Says:

    tama! kahit nga yung reply na “k” lang minsan nakakaasar eh.. hehe

  2. Utot Says:

    pagmadaling araw say 3am at super sabog ka sa kakainom super bigat ng iyong kamay at braso, mukha mo’y nakasubsob na sa higaan mong amoy laway ng biglang may nagtext sayo na kailangan mag reply ka o mag confirm lang kasi racket yun….Diba pwedeng “K” nalang? Pero super “hate” ko talaga ang mga fakyut na nag tetext ng “me” instead na ako. u knw la me load kc e. :) pwet nila.

  3. Jill Says:

    Huling huli mo Jugs! Haha! Kairita. Idagdag na rin sa listahan mo yung pagpalit ng “q” sa ako at yung “8to” para sa ito. Sus!

  4. Ken Says:

    hay. it is sooo damn comforting to know that a lot of people still care about doing it the right way. isinusumpa kong mapuputulan ng linya/mauubusan ng load/mananakawan ng cellphone ang mga ganyan mag-text!!! BWAHAHAHA! *cue: lightning and thunder*

  5. gabriel TWO Says:

    man! this guy is so uptight! kanya-kanya lang yan noh! i know, sablay naman kung pati ba naman sa mga essay ay ganun ka magsulat pero dude! to each his/her own. mejo baduy ka lang kung ganun ka mag text… correction, sobrang baduy mo kung ganun ka magtext. being baduy never killed anyone. peace, man!

Leave a Reply