Prepaid VS. Line

Mga one month na yata since nanakaw yung cellphone ko… sa totoo lang, malaki yung natipid ko sa cellphone expenses… Dati kasi, kahit na P800 plan lang ako sa Globe, umaabot ng mga P1500 or even P3000+ pag Christmas (season ng stuffed toys, eh!)… Ngayon, mas na-co-control ko yung gastos kahit paano.

Nung bumili ako ng bagong phone (the cheapest! yung may flashlight!), bumili din ako ng P500 load. As of today, may P50 pa ako na load, so not bad na yun. I have more control. Dati, dahil line, tawag lang nang tawag, kahit na hindi naman kailangan… "Sayang yung free minutes, eh!" … Sa totoo lang, kung hindi sobrang sobra, kulang na kulang naman yung gamit ko ng "free minutes" ko! I was supposed to change it to GFlex, pero hindi ko na rin naasikaso. Ngayon, text-text na lang. Bihira na ako tumwag, unless of course, kailangan na kailangan. Tsaka syempre kay CD.

Ang ok lang talaga pag nagpa-line ka, may free phone ka noh?

3 Responses to “Prepaid VS. Line”

  1. Wolfmann Too Says:

    eh tumatanda ka na rin eh!!! hehe hoy… i private message mo ko ng bago mong number!

  2. Ina Says:

    favorite ko talaga yang phone na yan, yung may flashlight! magand a yung battery nyan eh, very efficient. that’s the phone i got when my last one konked out on me. but now my mom uses it and i’m using mike’s old one and it’s a long story why but i just wanted to say i like that model phone you got. :)
    tinext ko sa iyo number ko. did you get it?

  3. JUGS Says:

    Yup! Thanks, Ina!! Ü

Leave a Reply