Pinoy Bland

Malamang daw hanggang today na lang ipapalabas ang PINOY BLONDE. Wala daw kasing nanonood. Nanood kami kahapon ni CD sa galle… Siguro mga 15 to 20 people lang and nasa loob. At umalis pa ng maaga yung katabi naming couple, tsaka yung isang barkada ng mga apat na estudyante.

Sayang naman… Medyo parang yung na-feel ko nung 1 week lang sa sinehan yung Keka (gawa ni Quark). Kasi, kakatapos lang nung 1-week indie movie festival sa CCP (Cinemalaya). At super daming taong nanood!!! Nakaka-overwhelm. Sobrang ganda ng response ng mga tao sa lahat ng full-length and short films na ginawa ng mga 1st-time directors! Sayang nga, hindi na-extend ng mas matagal. Isipin niyo, hindi biro ang pumunta sa CCP. Malayo, at hindi rin mura yung ticket. P100 each. Pero sobrang dami par ring tao ang pumunta.

Suwerte din na nanalo si CD ng Best Production Designer!!! Lahat ng movies na nag-work siya, may napanalunan (except Sarong Banggi, which in my opinion should have won best Sound Production/Soundtrack and/or Best Actress). Speaking of winners, Mansyon won best Short Film; Big Time won Best Sound and Best Screenplay; Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros won Best PD, Jury’s Citation for Nathan Lopez’s Performance (as Maxi) and Jury’s Film Selection. Not bad, huh?

Malamang daw (cross your fingers and knock on wood), ipapa-distribute ng top three films yung movies nila sa isang MAJOR distributor… Kaya sana mapanood pa ng mga tao ang mga pelikulang ito. Sayang kung hindi… Magaganda kasi. Lalung-lalo na yung Big Time tsaka Maxi.

Anyway, mabalik tayo sa Pinoy Blonde… Sa tingin ko naman, nabasa or narinig niyo na yung criticism sa pelikulang ito… FEELING daw. Feeling COOL daw sina Peque Gallaga at Lore Reyes, eh matatanda na sila… Hindi daw kailangan yung mga animation… Wala daw kinalaman yung soundtrack sa mga eksena ng movies.

We can go on and on…

Here’s my opinion: Maganda ang cimematography…Lalo na ang pagka-ilaw… At nakaka-gulat na maganda pala ang quality ng HD camera. Galing sa isang film addict pero hindi film maker, pwede nang ipang-tapat sa film. SERYOSO.

Favorite ko dun si Jaime Fabregas. Nakakatawa!!!

Pero, tingin ko, hindi maganda ang acting ni Boy2… Medyo exagge naman si Epy. Hindi nila na-deliver ang lines ng maganda… Parang Pilipino Film acting pa rin… hindi NATURAL. Pero ok lang sana… Yung script ang may palya talaga. May moments siyang maganda, pero most of the time, flat. Kasi, ang pinag-usapan nila, Brocka vs. Bernal… sa totoo lang, call me an ignoramus, but i don’t think anybody gives a shit anymore.

Sino ang makaka-relate sa mga discussions nila about the two directors? Mga film maker na matatanda. Eh di sila-sila lang din yun…

Labo, pare… Yung mga bata nga ngayon (yung target market nila… kasi "cool" movie nga eh, di ba?), hindi na kilala ang Eraserheads! Eh kelan lang yun? 90’s!!! Sina Brocka and Bernal? Hello?!? 70’s and 80’s!!!

Pero maganda pa rin na naglalabas ang UNITEL ng mga ganyang alternatibong pelikula… Dapat lang, piliin nila ang the best scripts, and the best directors (na bagay dun sa tema ng script) and the best crew. Kumuha sila ng mga BATANG writers at directors! Sina R.A. Rivera, Quark Henares, Mario Cornejo, Marie Jamora, etc etc etc…New Blood, hindi FACE LIFT.

Pinoyblonde

8 Responses to “Pinoy Bland”

  1. saging Says:

    Agree ako dun sa sinabi mo na may times na ok yung script kaso minsan flat. Bilang nga lang din yung tawa ko dun eh. And yes i can’t relate with the Brocka and Bernal thing (bata pa ako haha!) Pero ayos parin naman yung movie kahit papano. Ang konti nga ng tao! :) -dusty doll hello po!

  2. Chino Says:

    tama ka chip. the cinematography was good, but the plot was nonexistent. parang nag-piece-together lang sila ng maliliit na sketches na pinilit na magkaroon ng plots tsaka subplots. hilaw tuloy yung kwento. peke pala si peque.

  3. Annette Says:

    wow nakakatuwa naman malaman ang tungkol sa nakalipas na indie filmfest ekek na yan. sayang sana mapanood ko kahit yung ilan lang sa pinakamagaling dyan.
    re oldies, wag naman kayong ganyan, pwede naman magco-exist ang mga “veterans” and rookies di ba? wag naman natin sila i-force magretire

  4. kristin Says:

    sayang… manonood pa naman sana ako… maganda yung review ni dodobird eh (although di ko muna binasa para hindi ma-spoil). actually mas excited ako sa soundtrack, nandun kasi ang favorite ko, URBANDUB!!!!!

    btw, siguro nga hindi na kilala ng mga kids sina brocka at bernal, pero di ba magandang opportunity nga to para ipakilala sila? yun nga lang, malaking challenge pano nila to gagawin na merong lasting impression sa manonood. hay buhay. ;)

  5. Utot Says:

    At least nag try yung mga guranggis na magpaka hip. pero sayang talaga yung 81 pesos, hindi times 2 pala kasi kasama ko jowakis ko. sana hinintay ko nalang sa tv.sobrang sarap ng tulog ko kaya nun. at nagbilang din ako nun. 50 katao lang ang nasa loob ng cinehan at pangalawang araw lang yun. nakakainis kasi ang laki ng expectation mo kasi maganda yung trailer, astigas yung soundtrack, grabe marketing at si epi quizon pa (cras ko yun e)

  6. Utot Says:

    Sige, grabe ako manglait— eh ako kaya gumawa ng pelikula o short man lang? pambato ko lang ito sa sarili ko. Ha ha—e trying hard naman kasi sila e. yan tuloy FLOP yung pelikula. sana ginawa nalang nilang short yun mas okey siguro.

  7. Joelle Says:

    hindi ka ba nanuod ng himala?

  8. Ken Says:

    wow. pareho pala tayong may posts about pinoy blonde. hayyy. isa lang ang masasabi ko: sana dumating yung panahon na hindi na gagawa ng pelikula sina bong revilla, mikey arroyo, at philip salvador. sana naman sina lindsay custodio at jan marini at guio alvarez ulit.

Leave a Reply