Fete de la Jologs

PUTANGINANG MGA JOLOGS YAN.

Nadukutan ako ng Celphone kagabi sa El Pueblo (sa Fete de la Musique gig).

Kaka-dinner namin ni CD, Jazz and Chino sa Nagomi (thanks to Tita LEN for the GC) after hosting the Rock Stage for four hours. Naki-picture pa si Chino kay Cindy Kurleto and si Jazz dun sa matabang VJ ng MTV. (Sorry, i don’t know her name!)

Anyway, papunta kami ni CD sa podium kasi dun kami nag-park dahil flat rate na P35 the whole day. Habang naglalakad kami dun, SUPER daming tao na ang pumapasok at lumalabas. SOBRANG daming tao. Syempre dahil libre yung show, ang daming jologs. Nagkataon madaming jologs dun sa dinaanan namin. Isipin mo, para kaming sardinas. 555 sardinas pero puno ng Jologs. Yung tanginang sauce, yung mabaho nilang pawis. PUTA! Anyway, tulakan sila ng tulakan kasi sa sobrang daming tao.

Syempre, pina-punta ko si CD sa harap ko para di siya matulak. So hawak ng isang kamay ko yung wallet ko, tapos yung isa, yung kamay ni CD. Eh biglang nagka-tulakan… Ayun, pag-kapa ko sa left pocket ng pants ko, wala na yung cel ko. Tapos sinita ko yung mga JOLOGS sa likod ko. Sabi nila, "Huh, kuya? Wala kaming alam diyan." Alam kong sila yun, pero napag-pasa-pasahan na nila, kaya wala na akong magagawa.

Tangina nila. Anyway, panget din naman yung cel ko so ok lang. Matagal ko nang gustong palitan yun. Matagal ko na ring gustong palitan yung linya ko sa globe. Hindi ko ma-control yung gastos tsaka mukhang may mga charges sila na di ko ma-gets eh… Anyway, balak ko kunin yung phone ng driver ko (akin naman yun eh!), tapos bumili na lang ng SIM na may malaking memory. Pwede na muna yun. Tsaka na lang ako magpapa-linya ulit pag may ok na offer.

Or kung may kilala kayo sa Globe, Smart or Sun, pwede rin akong maging image model nila, parang si Sharon, Martin or si Jay-R… Basta libre lahat!!! hehehe… Marunong naman ako mag-gesture ng "Twenty four - seven" eh!

Seriously, pls email me (or message me through friendster) your contact numbers para i can save them as soon as i get my new SIM and phone. THANKS!

Btw, maganda naman pala yung show kagabi. Pinatigil ng around One and a half hours yung show kasi umaapaw na talaga yung tao. Pero nung sumalang kami, matino naman ang pag-mosh ng mga tao. Siguro na-gets nila na pag nanggulo sila, wala nang tutugtog.

Sana ma-gets din nila na bad trip manakawan ng celphone.

PUTANGINANG MGA JOLOGS YAN!!!

2 Responses to “Fete de la Jologs”

  1. Mellow Says:

    Haha…555 sardinas is right. Grabe talga yung tao kagabi! Lalo na sa el pueblo. Hindi ko na kayo naabutan :( haha..natawa naman ako dun sa title sa yahoo groups:fete de la jologs :P

  2. -ein- miss vain Says:

    haha!

    as in talaga nga naman no?!

    what’s this world up to na nga ba?!

    there’s just so much people and nung sumalang na kayo, inis na inis ako kasi naman you only sang two or was that three songs.. I enjoyed Antipara though.. nakakainis talaga!

    pwede po bang maki-mura? Putanginang mga Jologs yan! siyet!

    ingat nga po pala.. sana nag Sunday Sessions na lang kayo ulet sa RT.. ’steg yung unang RTSS nyo!!! saya!!! pag naulit, e-mail nyo ko, sasaglit ako sa RT, dadalhan ko kayo ng foods at kung anu-ano pa!!!

    hehe!!!

    ..bloodstained…and breathing..

    ~ ein..ieanne..the vainest of vain

Leave a Reply