FAME! (I wanna live forever…)

You know what’s weird?

Pag naglalakad ako somewhere (usually sa gig, pero minsan hinde…), tapos biglang may tatawag sa akin ng "JUGS"! Syempre, titingin ako, di ba? Tinawag ako eh. Tapos, pag tingin ko, hindi ko kilala yung tumawag sa akin.

Weird, pare…

Kasi, ok lang na tawagin ako ng "Itchyworms!" or "Idol!" or "Kuya!" or whatever they wanna call me…  pero pag tinawag ka sa pangalan mo, ine-expect mo na kakilala mo yung tumawag sa yo.

Kasi, siyempre, marami din naman akong acquaintances na hindi ko na maalala yung pangalan. Nandyan yung mga naging ka-klase mo once nung college, tapos sa likod ka naka-upo kaya di mo naman kilala talaga kung sino ang mga kasama mo; or napa-kilala sa yo once sa isang gig three years ago; or kainuman mo once sa isang bar, pero super lasheng na lasheng ka na nun kaya di mo na siya maalala; or kaibigan ng kakilala ng ex-girlfriend ng pinsan mong buo sa father’s side na nakilala mo sa isang family reunion five years ago…  You get my point.

Minsan, yung mga acquaintances na yun, after a few seconds (or more), maaalala mo na kahit konti eh. Kahit vaguely, siguro makikilala mo na.

Minsan, mahihiya ako kung hindi ko maalala yung pangalan ng old classmate ko… Paano pa kaya ko hindi ko matandaan ang isang tao (or hindi ko sure kung na-meet ko na ba siya ever?)

Ok pa kung nakikita mo lagi sa gigs… or kung alam mong nagbabanda, kasi naka-pormang bandista naman siya…

Wala lang… hindi naman kami sikat, eh! Hindi naman kami parang si Diether na kahit sino alam na yung pangalan niya… Kasi pag ganun, ine-expect mo na yun eh… So wala lang…

It’s just a really WEIRD feeling.

I can never imagine what Michael Jackson is feeling right now. Ü

2 Responses to “FAME! (I wanna live forever…)”

  1. Wolfmann FULL Says:

    I how you feel ma men!

    Napapahiya ka pa minsan if you make a conscious effort

  2. muzikera UNO Says:

    pag may tumawag sa’yo na “seksing jugs!”…ibig sabihin ako yung tumatawag sa’yo. ayos? -[r u t h]

Leave a Reply