Death By Wiper!

Alam mo kung ano ang astig?

Ang masira ang wiper ng kotse mo habang bumabagyo ng napaka-lakas!

Kailangan mong kumuha ng mga lumang plastic, punitin in such a way para maging parang tali, itali sa wiper, idaan sa bintana, at hila-hilain ang wiper para may makita kahit konti. Oo, mababasa ka din ng matindi. Kasi kailangan mo ding itulak pabalik yung wiper, di ba? Alangan namang hila ka lang ng hila.

Tapos lahat ng kotse sa likod mo burat na burat na, kasi ang bagal mong tumakbo. Mas mabagal pa sa student driver ng A1.

Pero ikaw, kabang-kaba kasi baka maka-bangga ka, or baka malubak ka sa butas na super lalim, or mabutas gulong mo, or whatever.

Tapos, kahit na sa San Miguel Ave ka nasiraan, at sa may SHAW ka lang pupunta (pagtawid ng fly-over), parang yun yung pinaka-mahabang ride mo sa buong buhay mo!

Sinasabi ko sa inyo…

HINDI NAKAKA-TUWA!!!!!

One Response to “Death By Wiper!”

  1. Wolfmann FULL Says:

    chong, i feel for you!

    yung sa kin yung wiper super walang kwenta! a wiper that doesn’t wipe at all! gedemit!

    20 kph lang ata takbo ko or less!

Leave a Reply