La Viva Loca-loca

Pag-gising ko kaninang umaga, nagulat ako nang makita ko sa newspaper na may “bagong” rock compilation album ang VIVA fokkin’ RECORDS.

Mas nagulat ako na kasama yung ANTIPARA at HAPPY BIRTHDAY dun.

Ang tawag sa alubum ay AYUZ!, at kasama dito yung lahat ng bandang i-netsepwera lang nila, tulad ng Imago, Radioactive Sago Project, Rivermaya, Chicosci, Mongols at iba pa. Ang saya saya nila. Ngayong “uso” ulit ang mga banda, tsaka nila pipigain yung mga lumang assets nila.

Tangina, dapat inalagaan na lang nila yung artists nila.

They had an awesome lineup: Sugar Free, Imago, Sago, Kamikaze, Brownbeat Allstars, and more recently, Chicosci, Mongols and Rivermaya.

Ang inalagaan lang nila dun ay yung Maya, pero hindi pa nga masyado. Kung hindi pa malupit yung mga galamay ni lizza (pun intended!), wala rin silang mararating. Paano naman yung mga ibang banda na walang gaanong connections?

Ang tanga tanga ng Viva, pinakawalan nila lahat nung mga yun. Tignan mo kung nasaan ang Sugar Free, Kamikaze, Rivermaya at Imago ngayon. Tapos ngayon gusto nila kunin ulit ang Kamikazee? Gago pala sila eh!

Naaawa na lang ako sa Soap Dish. Magaling na banda, maganda yung mga kanta, pero nag-sign sa Viva. Ipag-dasal na lang natin sila. Sana bumenta sila, para bigyan ng pansin ng Viva.

Pero isipin niyo, Chicosci, Mongols tsaka Rivermaya, di nila inalagaan… Paano pa kaya ang Soap Dish?

Malamang, pag-bumenta yung new albums ng Chicosci, Sago, Itchyworms, Mongols, etc., ilalabas din nila yung re-print ng albums nila nung mga bandang yun. In that way, wala silang ginastos sa Marketing costs, pero kumita sila ng malaki. Tutal, ang liit lang naman ng royalties na babayaran nila kung sakali eh (baka nga hindi pa nila bayaran yun eh.)

Well at least, kung sakaling mangyari yun, may available na ulit na Little Monsters sa mga record bars. Sayang eh… Ang dami-daming naghahanap nun. (Kamag-anak ko pa lang yun! hehe)

Anyway, sana matuto na ang mga banda na huwag masyadong maniwala sa Del Rosario family.
Masyado na silang maraming nauto eh…

Leave a Reply